Bagong all-female dance group na Dee Girls, mas disente raw kaysa sa Mocha Girls

Bagong all-female dance group na Dee Girls, mas disente raw kaysa sa Mocha Girls

Dee Girls
Dee Girls

Sinimulan ng sing and dance sexy all-female group na SexBomb ang uso. Ang grupo na binuo ng dating Vicor Dancer in the 80’s na si Joy Cancio na nagpasikat kina Rochelle Pangilinan and the rest ay naging by-word ng bawat bata sa kalye.

Lahat ng mga bagets, gustong maging isang Sex Bomb dancer. Lahat ng may pangarap, gusto maging tulad nina Rochelle at mga kasamahan niya. Lahat ng mga bagets, gustong gumiling at magpaseksi sa kanilang sayaw na siyang tatak ng grupo.

Kaya hindi mo masisisi ang bagong sing and dance grupo na Dee Girls na mina-manage ng Guam-based businessman-singer cum performer na si Jimmy Dee na magbuo rin ng sarili niyang grupo para mag-entertain sa mga manonood.

Kaya nga happy ang seven all-girls member ng Dee Girls dahil malapit na silang umalis patungong Guam para sa first major performance nila, kung saan doon muna sila mabe-base pansamantala para mas lalong mahasa.

Sa pangunguna ng founder ng Dee Girls na si Nicole Yao na binuo ang group thru her FB account, sabi niya “Nagtawag po ako thru may Facebook at marami po ang nag-reply at nag-audition, kaya heto na kami ngayon.”

Sabi pa ni Nicole, maide-decribe niya ang grupo nila na iba sa mga mas nauna sa kanila.

“Disente po kami kaysa sa Mocha Girls or sa ibang mga dance goup,” paliwanag niya sa amin.

“We do hip-hop and Polynesian. Apat sa amin, p’wedeng kumanta aside from being dancers,” dagdag pa ni Nicole.

Sa katunayan, excited ang grupo sa pagpunta nila sa Guam (kung saan si Jimmy Dee owns a beach resort) at pagbabalita nga ni Nicole ay nakapag-apply na raw sila ng US Visa.

Comparing the performances of Dee Girls at Mocha Girls, ‘di hamak na mas disente nga sina Nicole, dahil walang paupo-upo sa lap ng costumer na lalaki or “dukot-dukot” or pamimigay ng suot nilang sexy bikini panty ang Dee Girls na siyang kadalasang gimmick at paandar ng Mocha Girls.

Reyted K
By RK VillaCorta