Bago magsalita
Xian Lim, kailangang humingi ng permiso kay Kim Chiu

ADVERTISING

<i>Bago magsalita</i><br> Xian Lim, kailangang humingi ng permiso kay Kim Chiu

Xian-Lim-Kim-ChiuKIM CHIU recently turned 24 years old. Naging memorable ang kanyang kaarawan dahil hindi lang dito sa bansa ginanap ang kanyang birthday celebration kundi maging sa Amerika rin.

Isang sorpresa ang inihanda ng kanyang pamilya at maging ang kanyang Daddy William who is now based in Mindoro ay lumuwas upang makisaya. Kuwento ng kanyang daddy sa Buzz ng Bayan ay napaiyak daw si Kim pagkakita sa kanilang lahat. His birthday message to his daughter, “Always take care of yourself. ‘Wag pabaya sa pagkain. Basta good health ka lagi. ‘Wag ka magbago. Be simple always. ‘Wag ka sana magsawa tumulong sa mga kapatid mo. Alam ko naman sobrang bait ka sa kanila. Always remember, we are your number one fans. I love you!”

In her guesting on Buzz ng Bayan ay sinabi ni Kim na masaya raw siya because her family was complete. Wala siyang kaalam-alam na may sorpresa palang inihahanda ang mga ito para sa kanya. She asked her sister and brother out, even her co-workers pero hindi sila puwede. Kaya naman laking gulat niya when she went home and found out that everyone was present.

Pinasalamatan din ni Kim si Xian (who is romantically being linked to her) para sa kanyang birthday party sa San Francisco, California. Isa kasi ang aktor sa mga naging punong abala sa party. Sabi nga ni Kim, he never fails to surprise her. Patunay lamang ito na kahit abala sila sa kani-kanilang showbiz projects ay patuloy pa rin si Xian sa pagpaparamdam kay Kim that she is very special to him.

ADVERTISING

Napag-usapan na rin lang si Xian ay hindi ko pinalampas ang pagkakataon na tanungin si Kim regarding his controversial statement in a product launch. During the event, Xian was asked about his current status. Xian declared that he is “single and ready to mingle.” His remark raised questions kung ano na ba talaga ang real score sa kanilang dalawa ni Kim.

Kim clarified, “Tumawag siya actually before siya sumalang. Sabi niya, ‘May pinapasabi sa aking ganito ah.’ Parang ganoon. So ako, okay sige mag-work ka diyan.” So it was all part of Xian’s job. Does it mean he was asking for Kim’s permission? “Yes!” was her short but meaningful reply.

Meanwhile, the dust has been settled between her and Maja Salvador. Maja reached out to her at nagkapatawaran na silang dalawa matapos ang hindi nila pagkakaunawaan. Kim commented, “Wala na siguro [akong gustong sabihin]. Everything is okay. Thank you kay God na maayos na ang lahat. Para maging masaya na rin tayong lahat.”

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING