BAGO MAGING ‘FIRST LADY’: Sanya Lopez pag-aagawan nina Derrick Monasterio at Gil Cuerva sa ‘Oh My Oppa’ ng ‘Daig Kayo ng Lola Ko’

HINDI maipagkakaila na si Sanya Lopez na ang isa sa prime talents ng Kapuso Network. With a top-rating romance-comedy series with veteran leading man Gabby Concepcion this year na ‘First Yaya’ na magkakaroon na ng sequel na ‘First Lady’, she is definitely unstoppable!

BAGO MAGING ‘FIRST LADY’: Sanya Lopez pag-aagawan nina Derrick Monasterio at Gil Cuerva sa ‘Oh My Oppa’ ng ‘Daig Kayo ng Lola Ko’
Derrick Monasterio, Sanya Lopez and Gil Cuerva

Kamakailan lang ay si Sanya Lopez ang napiling bumida with Ken Chan sa opening salvo ng Regal Studio Presents. Habang hinihintay natin ang pagrampa ni Sanya as the First Lady, papakiligin muna niya tayo sa ‘Daig Kayo ng Lola Ko presents ‘Oh My OPPA’, kung saan kasama niya ang Kapuso heartthrobs na sina Derrick Monasterio at Gil Cuerva. Sa wakas, mga malapit na sa edad niya ang kanyang leading men! He-he-he!

In this special ay gaganap si Sanya bilang Grace, isang hotel manager na mahilig sa K-Drama. Dream niya na magkaroon ng Korean boyfriend o OPPA. Pero paano ‘yan? Nasa Pilipinas ang ating bida! Idagdag pa na magtsi-tsek in sa hotel ang kanyang ex-boyfriend (played by Jon Lucas) kasama ang kanyang new girlfriend (Ashley Ortega). Magpapatalo ba si Grace?

Para hindi naman siya magmukhang kaawa-awa, nag-order ito ng Oppa. Yes, puwedeng ma-install na Robot OPPA which will be played by Gil Cuerva. Mapansin kaya ni Grace ang lalaking nasa tabi lang niya lagi na may pagtingin sa kanya, na ginagampanan ni Derrick Monasterio? Grabe, haba ng hair!

Mapapanood na ang Daig Kayo ng Lola Ko Presents Oh My Oppa ngayong gabi pagkatapos ng 24 oras.