BAGO LUMIPAD SA JAPAN: Sylvia Sanchez, magpapaiyak sa ‘Maalaala Mo Kaya’

ADVERTISING

BAGO LUMIPAD SA JAPAN: Sylvia Sanchez, magpapaiyak sa 'Maalaala Mo Kaya'

BAGO LUMIPAD SA JAPAN: Sylvia Sanchez, magpapaiyak sa 'Maalaala Mo Kaya'
Sylvia Sanchez

SA LAND of the Rising Sun (Japan) magba-vacay ang aktres na si Sylvia Sachez ngayong Christmas season.

ADVERTISING

Paborito kasi ni Ibyang ang Japan lalo na ang mga anak niya na vacation destination nila mag-pamilya.

After Christmas Day, December 26 ang schedule nila na umalis kung saan bukod sa mister na si Papa Art Atayde at mga anak na sina Gela at Xavi ay makakasama niya ang dalawang super busy niyang mga anak na sina Ria at Ako.

“Balik din kami to celebrate New Year’s Eve dito sa Pilipinas,” kuwento ng aktres sa amin.

ADVERTISING

But before their family vacation, tutok muna sa kanyang MMK episode ang aktres na mamaya na mapapanood tungkol sa isang ina na may alzhiemer’s disease na naging karakter din ng aktres sa kanyang afternoon serye noon na The Greatest Love sa Kapamilya Network.

Sa MMK mamaya, mag-alaga ang role ng aktres. ”Nanay ko si Boots Anson Roa na may Alzheimer at asawa ko si Nonie Buencamino na mabait at anak ko sila Marc Acueza at James Blanco.”

Kung dati, si Ibyang (tawag namin sa kanya) ang may alzhiemer’s, this time ay siya naman ang anak na nag-aalaga sa nanay niya.

BAGO LUMIPAD SA JAPAN: Sylvia Sanchez, magpapaiyak sa 'Maalaala Mo Kaya'
Sylvia Sanchez and Boots Anson Roa in MMK

Working with Miss Boots Anson Roa ay isang dream come true para sa kanya lalo pa’t isa ang senior actress ang mga nasa bucketlist ni Ibyang na makatrabaho,

“Sa lahat ng bagay kay ‘ta boots dahil isa yan sa nirerespeto kong artista. Napaka- prim and proper. Nakatingin lang ako sa kanya at na aamaze ako. Ang ganda nya at ang bait.”

Kuwento pa ni Ibyang about her experience with the senior actress: “First time to work with her and masaya ako.”

Tungkol naman kay Noni Buencamino who plays her husband sa episode: ”Kay Nonie naman sanay na ako kasi kami magkasama bilang mag asawa sa The Greatest Love, at isa siya sa naging close ko sa tagal, pang-apat na namin ‘tong trabaho together. Masaya at masarap katrabaho si Nonie kasi magaling na aktor,” pagkukuweto ng aktres.

Sa 2019, dapat abangan ng mga fans at followers ni Sylvia ang bagong serye niya na this time, after ng sunod-sunod na heavy drama acting na ipinamalas niya in her previous seryes, isang mala-light comedy ang role na gagampanan niya with comedian Joey Marquez as her partner.

 

 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING