Bago ibinigay ang matamis na ‘oo’
Angel Locsin, 15 buwang ‘pinahirapan’ si Phil Younghusband!

ADVERTISING

<b>Bago ibinigay ang matamis na ‘oo’ </b><br>Angel Locsin, 15 buwang ‘pinahirapan’ si Phil Younghusband!

<b>Bago ibinigay ang matamis na ‘oo’ </b><br>Angel Locsin, 15 buwang ‘pinahirapan’ si Phil Younghusband!FIRST MONTHSARY bilang mag-jowa nina Angel Locsin at Phil Younghusband last Wednesday, June 27, pero ayon sa una ay wala naman silang planong mag-celebrate dahil hindi raw ito naniniwala sa gano’n.
Basta, para sa aktres, si Phil ang kanyang happiness, at araw-araw daw n’ya itong ipinapaalam sa kasintahan.
Sobrang sweet at maaalalahanin daw ni Phil, ayon kay Angel, gaya nang sorpresang magpadala ito ng bulaklak sa kanyang bahay nu’ng Lunes. “Nagulat ako nang pag-uwi ko ng bahay galing sa shooting sa Baguio ay may bulaklak galing sa kanya,” kuwento sa amin ng alaga ni Tita Ethel Ramos nu’ng binisita namin ito sa taping ng Toda Max nu’ng Martes ng gabi.
Sinasabihan nga raw ni Angel si Phil na iwasan nitong magregalo sa kanya ng mga mamahaling bagay. Kahit simpleng bagay lang daw ang ibigay sa kanya ng atleta ay okey lang, lalo na kung creative.
Hinihikayat din ni Gel na mag-ipon si Phil para sa nakababatang kapatid na babae nila ni James Younghusband dahil wala na nga ang kanilang mga magulang.
Last Christmas pa raw talaga hinihingi ni Phil ang matamis na oo ni Angel. May papel daw na inabot ang binata sa dalaga na may naka-drawing na dalawang box: isa para sa sagot na “yes” at ang kabila naman ay kung “no”.
Tse-tsekan lang daw ni Angel ang isa sa dalawang box kung ano ang sagot n’ya. Pero naisip daw n’ya na ano ang ise-celebrate nila together kung sakaling sinagot n’ya si Phil nu’ng araw ng Pasko. Christmas ba o anniversary nila? Kaya ibinalik muna raw n’ya ang papel sa masugid na manliligaw at sinabing, “sa ibang araw mo na lang ibigay ulit ‘to sa ‘kin.”
Pormal na sinagot daw ni Angel si Phil sa parte ng bago n’yang bahay sa may harapan ng isa mga hagdanan doon, kung saan sila unang nagka-kilala nu’ng unang dumalaw ang huli.
At nang ipapaalam na raw nila sa kanyang daddy over dinner na sila na officially after 15 months, tila inunahan sila nito sa pagsabing, “kayo na,” kaya napangiti na lang sina Angel at Phil.

PROUD MOMMY ang mahusay na aktres na si Gina Pareño sa pagbabalik-showbiz ng kanyang anak na si Janica.
Si Janica ang gaganap na batang Gina sa pinakabagong primetime teleserye ng ABS-CBN na Lorenzo’s Time na pagbibidahan ng child wonder na si Zaijian Jaranilla.
Bagama’t mapapanood lang si Janica sa pilot episode sa Lunes at sa ikalawang gabi, nakakitaan agad ito ng galing sa pag-arte ni Direk Jerome Pobocan (isa sa dalawang direktor ng nasabing serye), kaya hindi raw magpagkakailang mag-ina sila, bukod sa pagkakahawig ng kanilang magandang mukha.
“Nauna akong mag-taping sa kanya, pero nagulat sina Direk dahil kuhang-kuha n’ya raw ang mga galaw ko bilang character namin. S’yempre may mga pag-uugali o galaw tayo na dala pa rin natin hanggang sa pagtanda natin, ‘di ba? So itinuro ko sa kanya,” kuwento ni Gina sa amin.
Gaya ng gustong mangyari ni Gina para sa kanyang anak, desidido na raw talagang magtuloy-tuloy sa muling pag-arte si Janica, kahit pa nasa mid-30s na ito.
Naniniwala si Gina na ito na ang tamang panahon para kay Janica na magbalik-showbiz, habang s’ya naman ay kuntento na, fulfilled at maligaya na sa kanyang mga natamo bilang aktres, kaya puro pasasalamat na lang daw s’ya sa Diyos.
Napag-alaman naman namin na ang original choice diumano sa mga role bilang mga magulang ni Zaijian ay sina Piolo Pascual o John Lloyd Cruz at Angel Locsin, pero dahil sa sobrang busy ng tatlo, kina John Estrada at Dimples Romana napunta ang mga ito na sa mga ilang unang gabi lang yata mapapanood.

<b>Bago ibinigay ang matamis na ‘oo’ </b><br>Angel Locsin, 15 buwang ‘pinahirapan’ si Phil Younghusband!

TOTOO KAYA ang nakarating na balita sa amin na halos dalawang linggo na raw na kung hindi naka-confine ng dire-deretso ay labas-pasok sa hospital si Luis Manzano dahil diumano may nararamdaman ito na hindi maganda sa kanyang lalamunan?
Buti na nga lang daw at may mga nakabangkong episodes ang Deal or No Deal, kaya kahit na-cancel ang kanilang taping nitong Linggo dahil hindi pa raw mabuti ang kalagayan ng TV host-actor ay okey pa naman.
Kung totoo man ito, nawa’y hindi naman grabe ang sakit ni Luis. At s’yempre, ha-ngad namin ang agarang paggaling nito.
Franz 2 U
by Francis Simeon

ADVERTISING
ADVERTISING