Bagets sa isang teen show, dapat nang umiwas sa pakikipag-dyowa sa kapwa lalaki!

PINAYUHAN NG isang madir ang isang guwapong newcomer na unti-unti nang nakikilala dahil napasama nga siya sa isang youth-oriented TV show na deadmahin na lang ang mga nang-iintriga sa kanya.

Aware na ang bagets na pinag-uusapan siya ng mga utaw sa paligid niya. As usual, sanay na naman ang bagets na siya ang paboritong pulutan, dahil pinaghihinalaang madalas ang kanyang “gender”.

Alam na raw ng mga kasama nitong bagets sa show na isa itong certified beki. Pero hindi naman halata, in fairness.

Noon pa ay alam na naming “beki’ ang batang ito, pero after hearing his life story ay nabagbag ang aming kalooban, kaya ang ipinayo namin dito’y deadma na lang sa mga naiinsekyur at gawin na lang niya nang tama ang kanyang trabaho.

Kasabay ng pagpayo namin sa kanya na ‘wag na ring “makipagdyowa” sa same sex para hindi na rin manganak pa ang kuwento.

Ang problema, ‘pag sumikat nang bonggang-bongga ang bagets na ‘to. Baka umaatikabong kalkalan ng buhay ang mangyari.

Pero learn and master the art of deadma na lang, bagets. ‘Wag mo nang pansinin ‘yan para you will still look “teen” at basta malinis ang “heart” mo, ‘yan naman ang importante.

(By Ogie Diaz)

Previous articleMga Parangal ng WANTED!
Next articleDavid Archuleta and Eula Caballero: I’ll Be There For You!

No posts to display