Bagets na Bagets ang Aura: Carmi Martin, ratsada pa rin ang showbiz career

ADVERTISING

Bagets na Bagets ang Aura: Carmi Martin, ratsada pa rin ang showbiz career

Bagets na Bagets ang Aura: Carmi Martin, ratsada pa rin ang showbiz career
Carmi Martin

SINU-SINO nga ba ang mga kaliga ng kaseksihan ni Carmi Martin sa showbiz?

 
Halos hindi ko na rin kasi maalala kung sinu-sino sila. Kung tama ang alaala ko ay naging bahagi siya ng grupong Dolphy’s Angels na halaw sa Charlie’s Angel noon na hit TV series in the late 70’s.
Si Carmi, kasama niya noon sina Liz Alindogan at Yehlen Catral (tama ba ako?).
 
From sexy to comedy to drama, halos walang effort si Carmi sa pagtawid niya sa iba’t ibang genre ng karakter at klase ng pag-arte.
 
The last movie niya na napanood ko ay yong pelikula nina Piolo Pascual at Dawn Zulueta kung saan isa siya sa mga “Titas of Manila” na mahilig sa “sex” lalo na sa mga bagets.
 
Memorable din si Carmi sa opening dance numbers nila ni Roderick Paulate sa weekly show nila na “Dick and Carmi” noon na bago pa lang naibalik sa mga Lopez’s ang ABS-CBN after ng People Power.
 
Kaya nga considered as a senior star, ang mga bagets na mga artista ng pelikulang “Loving in Tandem” with the likes of MayMay Entrata, Edward Barber, Kisses Delavin at Marco Gallo ay chummy siya. 
 
Carmi plays nanay-nanayan sa mga bagets habang sinu-shoot nila ang pelikula where she plays a very important role sa launching movie nina MayWard at KissMarc na showing na this coming Wednesday, September 13.
 
Bagets na Bagets ang Aura: Carmi Martin, ratsada pa rin ang showbiz career
Carmi Martin with Kisses Delavin

As their “nanay” on and off-camera, kuwento ng aktres: “S’yempre I give them small talks about showbiz.  I remind them na huwag lumaki ang ulo. Maging grounded sila. Marunong magrespeto sa mga nauna sa kanila” sabi ni Ms. Carmi during the open forum sa grand presscon ng movie nila last Sunday.

 
Ang bagong romcom ng Star Cinema na dinirek ni Giselle Andres ay kabibilangan din nina sina Ryan Bang, Thou Reyes at Ketchup Eusebio.
 
Basta for Carmi, she enjoys working with the bagets. “Mas energetic ako kapag sila ang kasama ko. Masaya sila kasama sa trabaho at masisipag,” sabi ng actress-comedienne.
 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING