Bagets Actor, ‘din hiniwalayan sa pag-escort sa isang event ang bading na fashion designer!

ADVERTISING

GUSTO NAMING sabunutan sa buhok sa ilong ang isang friend naming fashion designer. Pa’no ba naman, kahit saan namin siya makita ay blooming na blooming siya. Kasi nga, isang guwapong aktor lang naman ang kanyang escort.

Feeling namin, ang laki-laki at ang tambok-tambok ng keps ng bading sa tuwing kasama niya ang aktor na gabi-gabi nating napapanood sa teleserye.

ADVERTISING

Tulad nitong huli naming pagkikita. Aba, kung ‘yung ibang artista ay nagte-table-hopping para makipagtsikahan sa ibang mga kasama sa “ball”, ang guwapong aktor naman ay nasa tabi lang ng fashion designer.

Hindi rin namin alam kung siya ang manager ni bagets. Dahil ang alam namin ay super help lang siya sa career ng ilang actors noon na malapit sa puso niya.

Pero nakakalaki ng keps ang pag-e-escort ng bagets sa fashion designer naming kumare, kaya ang ibang bading na nasa “ball” na ‘yon ay abut-abot ang inggit sa bakla. Hahahaha!

ADVERTISING

Ang mga fez ng mga bakla habang titig na titig sa couple… este, sa dalawa ay blangkong-blangko talaga sa inggit.

Eh, malay naman natin kung super friends lang ang dalawa at wala namang nangyayaring himala ni Ate Guy, ‘di ba?

Hahahaha!

ADVERTISING