Baes, ‘di na pang-back-up lang kay Alden Richards

ADVERTISING

Baes, ‘di na pang-back-up lang kay Alden Richards

Kenneth Medrano
Kenneth Medrano
Kenneth Medrano with his group Baes
Kenneth Medrano with his group Baes

Dati-rati’y sila ang back-up ni Alden Richards sa “Eat… Bulaga!” kapag nagsasayaw ito sa noontime show. Nang manalo sila sa “pa-cute at pa-andar” na contest ng “Eat… Bulaga!” para may kasangga si Alden, the rest is history, ‘ika nga, sa mga guwaping na bagets na ito na kinabibilangan nina Kenneth Medrano (the grand winner) and Miggy Tolentino who is 20 years old at ang talent niya sa pagsayaw ang naglunsad ng career niya sa telebisyon. Magiging karibal ni Kenneth si Miggy sa puso naman ni Taki na tipong “love triangle” ang tatlo sa bagong pre-programming ng “Eat… Bulaga!” na “Trops” na ididirek ni Linnet Zurbado na dating assistant ni Direk Mike Tuviera na magsisimula sa Lunes, October 24.

Sina Kenneth at Taki, may sariling following na rin simula nang mapasama sila sa “Calle Siete” na para hindi masayang ang effort ng TAPE, Inc. na palakasin ang tambalan ng dalawa at better nga naman na suportahan nila ang dalawa para hindi masayang ang “love team”nina Kenneth at Taki na may sariling following.

Ang ibang mga cast na kasamahan nang mabuo ang grupo nila as Baes na sinamahan ng iba pang mga dating contestants (hand-picked sila para mapasama sa cast) tulad nina Kim Last, Tommy Penaflor (siya ang pinakamatangkad sa grupo), Jon Timmons, at Joel Palencia, ang mga cutie bagets ay naging by-word na sa mga manonood ng noontime show.

Nagkaroon ng sariling market or fans ang Baes, reason why hindi na nagdalawang-isip ang TAPE, Inc., ang producer ng “Eat… Bulaga!” sa bagong show na “Trops” na isama sila sa cast ng show na kinabinilangan din nina Benjie Paras, Ina Raymundo, at Irma Adlawan.

ADVERTISING

By the way, sino ang personal manager ni Kenneth? Pakisabi na mukhang healthy siya during the presscon. Kapag mapanonood mo siya sa telebisyon, mag-a-add pa siya ng 10-15 pounds sa TV screen, not bad for him na balang araw ay magiging endorser na rin siya ng mga lechon sa “La Loma” o di kaya’y diet pills. Sayang kasi, cute pa naman itong bagitong Cebuano.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING