Bae Alert, itatapat sa That’s My Bae

Bae Alert
Bae Alert

Oozing with good looks at galing sa hatawan sa dance floor ang edge ng pinakabagong grupong titilian at mamahalin ng mga kababaihan at mga miyembro ng ikatlong lahi, ang Bae Alert na kinabibilangan nina Sky Cornejo, RK Biol, Jay-L Dizon, JV Suzara, Josh Ward, Daniel Aquino, at Ray Cataluna sa ibang boy group sa bansa na mina-manage ni Erika Lopez.
Ang mga miyembro ng Bae Alert ay pare-parehong semi-finalists ng pa-contest ng “Eat… Bulaga!” na ‘That’s My Bae’.

Ayon nga sa leader ng grupo na si JV, “Lahat po kasi magaling sumayaw, hindi lang good looks. Puwede kaming kumanta habang sumasayaw sa mga shows.
“Tsaka ‘yung grupo namin solid. Magkakapatid na kami rito, like after show, magkakasama pa rin kami, nagbo-bonding.
Show with “Eat Bulaga!’s” That’s My Bae? “Gusto nga namin na makasabay rin sila sa show. Hindi dahil sa gusto naming makipag-compete sa kanila. Gusto lang namin silang makasama, dahil pare pareho kaming galing sa iisang contest,” sagot ni JV.
Motto raw ng grupo ang “When a group of Bae’s come, you have to be Alert.”
Plano raw ng grupo na magkaroon ng dance album at music video ngayong taon.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleChild star AJ Ocampo, gustong makasama sa teleserye sina Marian Rivera at Coco Martin
Next articleJobert Sucaldito, dinagsa ng mga kaibigan sa loob at labas ng showbiz ang birthday celebration

No posts to display