Bae Alert, bound to Japan, Dubai, at Australia

ADVERTISING

Bae Alert, bound to Japan, Dubai, at Australia

Bae Alert
Bae Alert

Nakatakdang magtungo sa Japan ang all-male dance group na Bae Alert na kinabibilangan nina Jayl Dizon, JV Suzara, Josh Ward at RK Biol simula September 25 hanggang October 8. 15 days daw na magtatanghal ang grupo sa Cirko Bar at sa Art Venue sa Nagoya, Japan.
Ayon nga sa manager ng grupo na si Erika Lope, after ng gig ng grupo sa Japan ay tutungo ang mga ito sa Dubai at Australia para roon naman mag-perform.
Bukod nga sa kanilang mga show abroad, sunud-sunod din ang TV guestings nila sa Kapamilya at Kapuso Networks, at isa nga sa nabigyan ng magandang role sa “Ang Probinsiyano” ni Coco Martin ang isa sa member nito na si RK Biol, habang ang iba naman ay naggi-guest sa iba’t ibang shows ng GMA at ABS-CBN.

ADVERTISING

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING