Backstreet Boys are back!

ADVERTISING

Backstreet Boys are back!

SINO ANG hindi makalilimot sa mga kantang pinasikat ng boy band na ito tulad ng “I want It That Way,” “Everybody”, “As Long As You Love Me”, at marami pang mga ibang kanta. Ito ang mga ilan sa mga kanta ng sikat at kilalang boy band na ito, ang Backstreet Boys.

ADVERTISING

Nag-umpisa ang banda na binubuo nina AJ McLean, Howie Dorough, Brian Littrell, Nick Carter, at Kevin Richardson. Sumikat sila sa kanilang album na pang-international, Backstreet Boys (1996), at sa mga sumusunod na taon, inilabas nila ang kanilang pangalawang pang-international na album, Backstreet’s Back (1997) kasabay ang kanilang mga debut album sa Estados Unidos, kaya naman patuloy pang tumaas ang pandaigdigang tagumpay ng grupo. Subalit ang ganap na nagdala sa kanila tungo sa superstardom ay ang kanilang album na tinatawag na Millenium (1999), at ang follow-up na album, ang Black & Blue (2000).

Ang grupo o banda na ito ay opisyal na nabuo sa Orlando, Francisco noong ika-20 ng Abril taong 1993. Ang mga album nila ay pumatok at halos nakapagbenta ng mahigit isang milyong album ang Backstreet Boys, dahil dito, sila ang pinakamabentang boy band dahil sa mga album nila rito sa kasaysayan ng mundo.

Ang boy band nga na ito ay nabuo noong taong 1993 pero hanggang ngayon, taong 2015, mahigit 22 taon na ang grupo na ito, nandiyan pa rin ang kanilang mga tagasuporta at siguradong padagdag nang padagdag ang kanilang mga tagahanga dahil sa mga nakakikilig at napakagandang mga kanta nila. Ngayong generation, marami-rami na ring mga boy group o boy band ang mga sumikat, pero kahit ganoon pa man, ang Backstreet Boys ay kailanman hindi malalaos dahil kapag sa tuwing sila ay kakanta na, nandoon pa rin ang kilig factor sa bawat manonood.

ADVERTISING

‘Ika nga sa sinabi nila sa kanta nila sa “Everybody” na “Backstreet’s Back Alright!” talagang ‘alright’ talaga dahil sa darating na ika-5 ng Mayo, sina AJ McLean, Howie Dorough, Nick Carter, Kevin Richardson and Brian Littrell o ang Backstreet Boys ay nagbabalik upang mag-concert dito sa Manila sa Mall of Asia Arena at sigurado sa concert nila na ito mapapakanta muli tayo sa kanilang mga kanta at ‘ika nga sa kanta nila muli na “Everybody”, they gonna bring the flavor, they gonna show us how at mapapa-rock your body talaga tayo sa kanilang concert nitong Mayo.

Sa May 5, 2015 ang petsa ng kanilang concert dito sa Manila at gaganapin sa Mall of Asia (MOA) Arena, 8:00 pm ng gabi. Ticket prices: MOSHPIT Standing – P7,920; VIP Reserved Seating – P6,870; PATRON Reserved Seating – P5,810; LOWER BOX A Reserved Seating – P4,760; LOWER BOX B Reserved Seating – P3,700; UPPER BOX Reserved Seating – P2,640; GENERAL ADMISSION Reserved Seating – P930. Ito ay available sa SM tickets outlets o kaya’y sa kanilang website na www.smtickets.com. Kung gusto mo naman ng VIP Meet and Greet tickets, visit Backstreetboys.com para sa karagdagang information upang ma-avail ang ticket. Kaya ano pang hinihintay natin tara na’t bumili na ng ticket at muling makisabay sa tugtugan o kantahan ng Backstreet Boys handog ng Ovation Productions at Live Nation.

Usapang Bagets
By Ralph Tulfo

ADVERTISING