BACK TO WORK NA: Tom Rodriguez, ligtas na sa Covid-19

NAPANSIN ng mga fans ng Kapuso hunk actor and soon-to-be groom na si Tom Rodriguez na naging matumal ang pagpopost nito sa kanyang social media accounts recently. Sa kanyang latest IGTV update ay ibinunyag niya na may pinagdaanan itong sakuna.

“I was quarantined for a little over 4 weeks since it took a while before I recovered,” panimula ni Tom.

BACK TO WORK NA: Tom Rodriguez, ligtas na sa Covid-19
Tom Rodriguez

Ayon sa aktor, nakuha niya ang nakamamatay na virus sa out of town lock-in shoot niya para sa isang pelikula. Noong una’y negatibo ang resulta ng antigen swab test, ngunit hinikayat ito ng kanyang minamahal na si Carla Abellana na kumuha ng PCR test bago tuluyang bumalik sa bahay nila.

“Buti na lang I took her advice and hindi muna kami nagkita so there’s no chance I infected her. I tested positive and I’ve clinically recovered for mga over a week,” pagkuwento niya.

Masuwerte raw si Tom na mild symptoms ang kanyang naranasan at hindi ito nakaranas ng malubhang pag-ubo o mataas na fever.

Ngayon na siya’y fully recovered na, naka-quarantine na rin ito in preparation for his upcoming TV project with GMA-7 na makakasama niya sina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith.

Nakakaaliw din malaman na ang paggawa ng sarili niyang mobile app ang pinagkakaabalahan ni Tom habang siya ay naka-quarantine. Talagang hustle harder mode ang magiging mister ni Carla Abellana, huh! Before you know it, October na at nasa simbahan na ang sweet lovebirds. Stay healthy, Tom!

Previous articleSharon Cuneta lumayas ng ‘Pinas to ‘breathe, collect myself, gain strength’
Next articleAFTER 17 YEARS: Sandara Park, nilisan na ang YG Entertainment