Baby Zia nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, malapit nang makita ng publiko

ADVERTISING

Baby Zia nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, malapit nang makita ng publiko

Dingdong-Dantes-Marian-RiveraKUNG LAST week, sa panganganak ni Marian Rivera ay ang cute na kamay pa lang ang na-post na picture ng baby nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, malapit nang makita ng publiko si Baby Zia.

Ito ay sa isang welcoming party na handog ng mga kaibigan ng hukbo ng fans ng mag-asawa, collectively known as DongYan, na may iba’t ibang chapter nationwide.

Ganoon kahalaga sa mag-asawang DongYan ang kanilang mga tagahanga na walang patid ang ipinakikitang pagmamahal sa kanila mula noon hanggang ngayon, kung kaya’t they have the time talaga for their fans.

Remember na kahit sa kanilang kasal ay may space sa simbahan for the DongYan fans?

ADVERTISING

At any rate, sinasabing kamukha nga ni Marian ang baby, more than Dingdong, lalo na ang ilong nito. Well, malalaman natin ‘yan kapag na-expose na in full ang image ni Baby Zia.

Si Marian, after nitong maka-recover sa kanyang normal delivery, ay hands-on sa pag-aasikaso ng baby.

Sabi naman ni Dingdong, pinaplano na ang binyag sa kanilang anak, pero wala pang detalye. Bagama’t may mga naisip na silang ilang pangalan upang maging ninong at ninang.

Larawan ng masayang ama si Dingdong na nagsabing “I experienced a miracle” nang personal niyang makitang iniluwal ni Marian sa mundo ang kanilang sanggol.

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

ADVERTISING