Baby nina Paolo at Lian, sa mga ex ipapangalan!– Gorgy’s Park

Baby nina Paolo at Lian, sa mga ex ipapangalan!– Gorgy’s ParkHINDI NA BAGO ang pagmamatigas ni Jennylyn Mercado na hindi nito ipakikilala ang kanyang anak na si Alex Jazz kay Patrick Garcia.

Pero ang isang matinding pahayag niya nang nakapanayam ito ng Startalk sa autograph-signing ng FHM, talagang binura na raw niya si Patrick sa buhay ng anak niya.

Kung sakaling mag-asawa raw siya, ipapangalan daw niya si AJ sa lalaking mapapangasawa niya.

Kapag naintindihan na raw ng anak niya ang lahat, ipagtatapat naman daw niya ang buong katotohanan pero wala raw siyang balak na ipakilala ito.

[ad#post-ad-box]

Ipapa-adopt daw niya sa lalaking mapapangasawa niya ang kanyang anak para ‘yun ang pangalang dala nito.

Nakarating kay Patrick ang huling sinabi ni Jennylyn at obvious na nasaktan ito nang kinunan ng reaksiyon ng Startalk.

Sey ni Jennylyn, “I’m sure darating din ‘yung time na maghahanap si AJ ng father figure, sasabihin ko ‘yung totoo, walang rason para magsinungaling.”

Sagot naman ni Patrick, “Kung ‘yun ang gusto niyang mangyari, bahala siya, basta sana naman she won’t be that mean na hindi ipakilala si AJ sa tunay niyang ama.

“I’m still optimistic na one day mari-realize niya na it’s not about both of us anymore. It’s about our son.

“I may have failed in many things in my life pero at least give me a chance to be a father,” madamdaming pahayag ng aktor.

Wala pa siyang hakbang ngayon na makausap si Jennylyn dahil sa tingin ni Patrick, mainit pa ang lahat at mahirap pang makausap ang GMA star.

Naghihintay lang daw siya ng tamang panahon na makausap si Jennylyn na silang dalawa lang at hindi na kailangang iparating pa sa telebisyon.

Very positive pa rin daw siyang makakausap niya ito, magkaayos sila at makikita nito ng personal ang kanyang anak na kamukhang-kamukha niya.

NGAYONG LINGGO, SUSUBUKAN nina Paolo Contis at Lian Paz na magpa-check-up para malaman kung baby boy o baby girl ang kanilang panganay.

Dapat ay nakita na raw nila sa huling check-up nila nu’ng nakaraang linggo ang gender ng baby pero kuwento ni Paolo, nagmaldita raw ang anak nito.

Nakatalikod daw ito nu’ng na-ultra-sound si Lian at nu’ng humarap naman ay naka-cross ang legs kaya hindi nila nakita kung ano ang kasarian.

Pero tingin ng kanilang doctor ay baby girl ito. Iyon din daw ang feeling ni Paolo kaya excited siya dahil tiyak ang pretty-pretty raw ng baby nila.

Naging biruan na nina Paolo at Lian na kung sakaling baby boy daw ang kanilang magiging anak, Mark daw ang ipapangalan nila hango sa ex-boyfriend ni Lian na si Mark Herras.

Kung sakaling baby girl naman, Isabel daw ang ipapangalan nila na obviously, kinuha nila kay Isabel Oli.

Pero sa totoo lang, nang tinanong si Mark kung type niyang maging ninong sa anak nina Paolo at Lian, gustung-gusto raw niya dahil close friends sila ni Paolo at okay naman daw sila bilang friends ni Lian. Ewan ko lang kay Isabel dahil hindi maganda ang break-up nito kay Paolo.

By Gorgy’s Park