Baby ni Ara Mina, nilait sa Instagram

Baby ni Ara Mina, nilait sa Instagram

Ara-Mina-Baby-MandyKUNG SINO man ang nanglait kay Baby Mandy (Amanda Gabrielle) na anak nina Ara Mina at Bulcan mayor Patrick Menses ay may sira sa ulo at hindi alam ang difference ng beauty at ugly. Isa siyang malaking IDIOTA.

Nag-upload ng Instagram video si Ara ng kuha ni baby Mandy na super cute ang smile. Isang follower na may username na mikaela_sy_lim ang bumasag sa trip ni Ara nang pintasan niya ito at sinabing ang chaka naman ng baby ng aktres.

Kaagad nag-reply si Ara and said na bogus na bogus ang IG account ng kanyang follower na basher. Obvious kasi na peke ito dahil ginamit nito ang isang name ng popular blogger, si Mike S. Lim ng Fashion Pulis. Sabi ni Ara, blessing si baby Mandy sa kanya.

Actually, mabait pa nga si Ara. Kung kami ‘yan, naku baka pinagmumura na naming ‘yan, ‘yung murang ikahihiya siya ng magulang niya at ikamamatay niya.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas