Sipat-eklat: Baby James, manang- mana sa pagkataklesa ng inang si Kris Aquino!

ADVERTISING

Sipat-eklat: Baby James, manang- mana sa pagkataklesa ng inang si Kris Aquino!SIPAT: BINANATAN ng AMERICAN COMEDIAN na si ADAM CAROLLA si MANNY PACQUIAO at ang SAMBAYANANG PINOY.
EKLAT: MASYADONG PAPANSIN, ‘no?

SIPAT: PINANSIN naman ng mga PINOY.
EKLAT: ‘Ayan, SUMIKAT pa TULOY!

SIPAT: Pero nag-SORRY na naman ‘tong MADALDAL na ‘MERKANO.
EKLAT: Gano’n lang? PASAPAK ka muna kay PACMAN!

SIPAT: E, ANO naman kung mag-ON sina DAIANA MENEZES at SHIVAKER?
EKLAT: PAREHO namang HINDI PINOY ‘yan!

SIPAT: BAGAY naman sina DAIANA at SHIVAKER, in fairness.
EKLAT: Ang SEKSI ni GIRL… ang TANGKAD at ang ‘LAKI-LAKING’ GUY ni BOY.

ADVERTISING

SIPAT: Kaya naman pala NAISPATANG MAGKASAMA sina DENNIS TRILLO at JENNYLYN MERCADO, e nagpo-PROMOTE ng TV SHOW nila.
EKLAT: MALISYOSO kasi ang BALITANG MAGSYOTA na AGAD sila, e!

SIPAT: Pero SWAK kung MAGKAKATULUYAN ang DALAWA, ‘no?
EKLAT: May ANAK si JEN na HINDI KASAMA ang TATAY. May ANAK si DENNIS na KASAMA ang NANAY!

SIPAT: May BAGONG INSTANT ENDORSER si MANNY VILLAR!
EKLAT: Si BABY JAMES AQUINO!

SIPAT: ‘Ika nga, ang mga BATA ay HINDI BASTA-BASTA NAGSISINUNGALING…
EKLAT: Kaya ang BOTO ni BABY JAMES ay para kay SEN. VILLAR!

SIPAT: DAPAT na maging PROUD si KRIS AQUINO na NAGMANA sa kanya ang ANAK.
EKLAT: TAKLESA na rin, e!

SIPAT: Pero CUTE ang DATING at INOSENTENG-INOSENTE si BABY JAMES, ‘no!
EKLAT: ‘Yun ang DAPAT na NAMANA naman ng INA!

SIPAT: ‘Ayan, naka-MOVE ON na si JOHN PRATS. TANGGAP na niyang WALA na sila ni SHAINA MAGDAYAO.
EKLAT: TANGGAP na rin kaya ni JOHN na isang ‘JOHN’ din ang IPINALIT sa kanya ni SHAINA?

SIPAT: MAGSYOTA na bang TALAGA sina SHAINA at JOHN LLOYD CRUZ?
EKLAT: Ahhmmm… ‘JOHN’, paki-SAGOT naman, please.

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service

ADVERTISING