Baby James, bugbog-sarado sa isyu ng mga magulang!

ADVERTISING

Baby James, bugbog-sarado sa isyu ng mga magulang!

Baby James, bugbog-sarado sa isyu ng mga magulang!ONE-LINER: “PATAYIN n’yo ako sa trabaho kung gusto n’yo. Araw-araw, pagtrabahuhin n’yo ako. Pero ‘pag nagsabi ako na bakasyon ako, walang puwedeng pumigil sa akin!” – Eugene Domingo

MUNTIK NANG HALIKAN ni Mamarazzi si Diether Ocampo pagkatapos ng production number nila ni Andi Eigenmann sa ASAP XV kahapon.

Naisip siguro nila, ‘wag nang gawin.

Kasi nga, nagawa na ‘yon sa presscon ng Mamarazzi. Hindi na shocking.

ADVERTISING

NAAAWA KAMI KAY Baby James Yap. Kaliit-liit na bata ay bugbog na ang mukha sa kamera ng mga isyu na kinasasangkutan ng parents niyang sina James Yap at Kris Aquino.

Juice ko, naka-YouTube na ‘yan hanggang sa paglaki niya, mapapanood niya ‘yan kung gugustuhin niya. Sana, ‘wag lang maapektuhan ang bata.

Me kilala kaming bata, inaanak namin. Nu’ng maghiwalay ang parents niya, paglaki nu’ng bata, parang Ninong Ogie na niya.

Pero at least, matino at responsableng bata. ‘Yun naman ‘yon.

MAY NAG-PRIVATE MESSAGE sa amin sa Twitter account namin. Nanay daw ba ni James Yap ‘yung lagi niyang kasa-kasama?

Siyempre, nilinaw namin ito: “No, hindi niya nanay ‘yon. Attorney ni James ‘yon, si Atty. Lorna Kapunan.”

Siguro nga, kasi, let’s face it, magkahawig din si James at ang abogada.

WA EK. MAHUSAY mag-promote si Ruffa Gutierrez. Puwede siyang publicist, huh! Sa twitter account nga niya, super plug siya ng Paparazzi at ang dapat abangan ng mga puma-follow sa kanya sa Twitter.

Ang mga followers ni Ruffa sa Twitter: 200,839 as of 3:15 pm yesterday.

SA PANONOOD NAMIN ng mga talk shows, hindi pa rin napapalitan ang mga pasabog na headlines na: “Mariel Rodriguez, magsasalita na!” “Robin Padilla, magsasalita na!” Baket, dati ba silang pipi?

‘Wag n’yong kalilimutang makinig palagi sa “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12 nn kasama sina Ms. F, Francis Simeon at Rommel Placente.

‘Yan ay kung type n’yo lang maaliw, ha?

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING