BABY #2 ON THE WAY: Sarah Lahbati, manganganak sa April 2018!

ADVERTISING

BABY #2 ON THE WAY: Sarah Lahbati, manganganak sa April 2018!

BABY #2 ON THE WAY: Sarah Lahbati, manganganak sa April 2018!
Richard Gutierrez, Sarah Lahbati, Zion and Baby #2

NAPANGITI na lang ako kay Ruffa Gutierrez na sa pagiging super excited niya as the future “Tita” of brother Richard Gutierrez and sister-in-law Sarah Labhati’s 2nd child ay mas nauna pa niya nai-post ang pagbubuntis ng sister-in-law.

 
Happy ang feeling at positive vibes lang dahil noon pa man ay nangungulit na pala ang panganay nina Chard at Sarah na si Zion na magkaroon ng baby brother or sister.
 
Dahil sa kabisihan ng dalawa, hindi keri ni Sarah na magbuntis agad-agad na umabot pa sa point na bumili sila ng pet puppy sa anak na si Zion para ma-distract lang si bagets sa kanyang paghahanap ng “little brother or sister”.
 
Sa panayam ng kaibigang Jeff Fernando kay Sarah recently ay sinabi nito na super happy siya at may dumating na blessing sa kanila at ito nga ay ang pagbubuntis niya.
 
Tamang tama lang ang panahon na nagbuntis ako ngayon because Zion is four years old na and actually araw-araw niya ako kinukulit, ‘Mama I want a brother, I want a sister.’ So of course, we’re very happy and excited to find out whether I’m having a boy or a girl.
 
BABY #2 ON THE WAY: Sarah Lahbati, manganganak sa April 2018!
Sarah Lahbati and Zion Gutierrez

“I’m very happy. Matagal na siya nagpaparinig sa akin, matagal na niya ginusto ito na magkaroon ng kapatid si Zion, last year pa. Pero I think now is the right time,” kuwento pa ni Sarah.

 
Maging ang mga ang mga in laws niya ay super excited sa pagdating ng bagong baby nila ni Richard.
 
Kuwento ni Sarah sa kasalukuyang sitwasyon niya: “Excited din sila, super happy, very excited sila to have another Zion or girl version of Zion.” Siyempre gusto ni Chard kung pwede, magka-babae ako, that would be wonderful kumpleto na kami sa family, “sabi nito.
 
Expected na magde-deliver ng kanyang 2nd baby si Sarah by April 2018.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING
ADVERTISING