BABU NA KAY GABBY: Sharon Cuneta, mas masaya sa bagong leading man!

ADVERTISING

BABU NA KAY GABBY: Sharon Cuneta, mas masaya sa bagong leading man!

BABU NA KAY GABBY: Sharon Cuneta, mas masaya sa bagong leading man!SA WAKAS AY sinagot na rin ni Megastar Sharon Cuneta ang  kaliwa’t kanang mga issues na binabato sa kanya ng netizens dahil na rin sa mga social media posts niya.
 

Unang nang naliwanagan ang isyu tungkol sa kanila ng mister na si Sen. Kiko Pangilinan na hindi totoong naghiwalay na sila ng landas at okay ang kanilang pagsasama.
 
Isa pang isyu ay ang tungkol sa pagkaka-bankrupt niya at nag-share pa siya tungkol sa taong pinagkatiwalaan ng mga magulang niya na ang ”pinagmanahan” niya mula sa pinagbilhan ng bahay nila sa Paraiso St. sa Dasmarinas Village in Makati ay “ninakaw” sa kanila.
 
Ano ang latest kay Sharon after the online intriga na naging nag-viral na nasagot na niya at nilinaw?
 
Kung ang pelikula na dapat ay gagawin nila ng dating mister na si Gabby Concepcion at tila hindi na matutuloy pero go na go pa rin ang naturang project! Ang latest ay may bagong leading man na ang aktres na sa September na sisimulan.
 
“Nasayang nga ang taon ko sa pag-hihintay, eh. The right word ‘kaka-paasa’. Hindi ng Star Cinema, ha! Parang natapon ang buong taon ko kasi paiba-iba, eh. So, sana from the beginning pa lang nalaman na natin na ‘hindi pala,” pahayag ni Sharon sa isang panayam.
 
Bago ang leading man niya sa naturang project pero may pahulaan pa ang aktres kung sino ito. “Ngayon, my new leading man whom I’m just too happy to start the movie with, has to do muna to finish his teleserye first here (ABS-CBN) so I have to wait ’till September,” sabi pa nito.
 
Hindi kaya si John Lloyd Cruz kaya ang tinutukoy ni Sharon na bagong “leading man” niya?
 
Bukod sa Star Cinema project ni Sharon ay tinatapos niya ang Cinemalaya 2017 entry niya na Ang Pamilyang Hindi Lumuluha mula sa direksyon ni Mes de Mesa, na minsan na rin naidirek si Nora Aunor.
 
Last Friday ay balik location siya sa Laguna para tapusin ang shooting ng pelikula dahil alam ko’y malapit na siyang umalis patungong USA para naman sa series of shows niya sa mga Pinoy Communities sa roon.
 
Last night (Sunday June 11) ay special guest siya ni Vice Ganda sa celebration ng ika-6th year anniversary ng Gandang Gabi Vice na wala sila ginawa ng komedyante kundi magtawanan.
 
Aliw ako sa dalawa. Kaloka ang tawa ni Mega!

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING
ADVERTISING