Babaeng ‘nabuntis’ ni Mark Herras, handang humarap sa young actor!- Tita Swarding

ADVERTISING

Babaeng ‘nabuntis’ ni Mark Herras, handang humarap sa young actor!- Tita Swarding

OLA CHIKKA! KAILAN man, hindi ako gumagawa ng ingay para lang pag-usapan. Ginagawa ko lang ang trabaho ko. Kaya sa isyung Mark Herras at sa babaeng nabuntis umano niyang na si Crissa na miyembro ng grupong Nitro Girls, ang babae ang lumapit sa akin at sa trabaho ko, ginawa ko lang kung ano ang nararapat.

ADVERTISING

Umiiyak habang ikinukuwento sa akin ni Crissa ang tungkol sa kanyang problema. Dahil ang masakit nito, hindi pala alam ng kanyang mga magulang ang nangyari sa kanya, at hindi niya inaasahang lalaki nang ganito ang kung anumang ibinunyag niya. Nakahanda umano siyang harapin ang lalaking nakabuntis sa kanya na si Mark Herras nga.

Ayon pa sa babaeng nabuntis umano ni Mark, nasa ospital ang ina nito at ang ama nitong sundalo ay hindi pa alam ang tungkol sa kuwento. Hindi nga raw niya alam kung paano sasabihin ang kalagayan niya sa kanyang pamilya.

Apektado na rin umano ang grupong Nitro Girls. Dagdag pa ng dalaga, “Nakahanda akong harapin si Mark, Tita Swarding. At kung magharap-harap man kami, kung maaari, kami lang, walang media, walang manager. Gusto ko kami lang. Ayokong marami pa ang madamay.

ADVERTISING

“Ginusto namin ito, dapat panagutan niya. Kung ayaw niyang panagutan, okay lang naman sa akin. Hindi ako naghahabol. Pero gusto ko lang ipaalam kay Mark, na hindi ko inaasahan na ganito ang mangyayari.

“At tungkol naman sa manager niya, bakit nandu’n ba si Lolit Solis nu’ng may nangyari sa amin? Katabi ba namin siya? Alam ba niya ang ginagawa ng alaga niya? Nakaka-stress na kasi, Tita Swarding.”

Naku, ha?! Nawindang ako sa pahayag ng babaeng ito! Hmmm…. At habang ginagawa ko ang column na ito, nakatanggap ako ng text mula kay Crissa. Ang sabi, “Wala na, sira na buhay ko. Tinanggal na ako sa grupong Nitro Girls. Matagal ko ring pinaghirapan ito, at halos isumpa ako ng manager na si Luvie Gamao. Nasa ospital ang mommy ko, ‘di pa alam ng dad ko. Galit sa akin lahat. Saan ako pupunta? ‘Di ko naman ginusto ito. Pero handa akong harapin si Mark.”

Nakakaloka, ha?! Ano na naman itong pinasok ni Mark Herras? Naku, ha?! Ayaw na ayaw ni Dingdong Dantes, Aiko Melendez, Herbert Bautista at Vice-Mayor Isko Moreno – na  mga bumati sa birthday ko – ng ganyan. Hahaha! ‘Yun na!

KUMPIRMADONG TATAKBO SA mataas na posisyon ang Jukebox Queen na si Imelda Papin. Matapos ang mga shows abroad, pagkakaabalahan naman ng magaling na singer sa pagbalik sa bansa ang mga shows dito, at pati na rin ang pagtakbo niya sa politics ay isinasaayos na rin niya.

Ngayong linggo ay nakatakdang umuwi si Imelda upang maghain ng kanyang kandidatura. Pero siyempre, ‘pag tumakbo ka sa mataas na posisyon, kailangan mo ng malaking pondo.

Ngunit hindi na ito pinuproblema ng Jukebox Queen, dahil nu’ng nagkita pala sila ng ina ni Manny Pacquiao, kung saan ay pinasundo pa ni Imelda sa mamahaling car si Mommy Dionesia, at nag-record pa sila ng isang album, may ipinangako raw ang ina ni Manny kay Imelda. Kakausapin daw nito ang anak na si Manny upang pondohan ang kandidatura ni Imelda.

Naku, ha?! Na-stress ang beauty ko n’yan, huh! Hahaha! Dagdag pa na dapat boluntaryo raw na nagsabi si Mommy D na siya ang mag-i-endorse sa kandidatura ng magaling na singer. Nakakaloka!

Pero baligtad daw ang nangyari. Sa halip na si Imelda ang magbabayad kay Mommy D bilang endorser, ngayon si Mommy D ang magbabayad dahil idol nga raw niya ito. Ano raw? Nawindang ako du’n, ha?!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING