Babaeng ‘nabuntis’ ni Mark Herras, pinanindigan ang isyu! – Tita Swarding

Babaeng ‘nabuntis’ ni Mark Herras, pinanindigan ang isyu! - Tita Swarding

Babaeng ‘nabuntis’ ni Mark Herras, pinanindigan ang isyu! - Tita SwardingOLA CHIKKA! NALOKA ako nang tinuldukan ng babaeng nabuntis umano ni Mark Herras na si Crissa ang isyung hindi niya akalaing sasabog nang bonggang-bongga sa apat na sulok ng industriya.

Sa aking one-on-one interview sa alaga ni Direk Luvie Gamao, halos maiyak-iyak itong si Crissa nang isalaysay niya at ibinunyag ang lahat ng nangyari sa kanila ng guwapong aktor na si Mark.

“Tita Swarding, hindi ko akalain na lalaki ang isyu nang ganito. Nagsimula ito nang biglaang hinulaan ako ni Madam Venus sa inyong programa, at hindi ko rin inaasahan na mailalagay ito sa Pinoy Parazzi kinabukasan.” Kuwento ni Crissa.

“Hindi po ako naghahabol kay Mark Herras. Hindi naman ako nanghihingi ng sustento sa kanya. Ang sa akin lang, nailabas ko ang bigat na aking dinadala. Handa po akong harapin siya. Kaya ko pong palakihin ang bata nang ako lang mag-isa, kahit tinanggal ako sa grupong Nitro Girls. Hindi naman po kami naghihirap. Pasalamat nga ako, Tita Swarding, at very supportive ang aking family.” Walang patid na pahayag ni Crissa.

Patuloy pa niya, “Kahit iniisip ko ang aking mommy na nasa hospital, yet, naiintidihan nila ako at sa mga isyung naglabasan na kesyo ginagamit ko raw si Mark Herras, Tita. Never ko po siyang gagamitin, at kung manggagamit ako, dapat sa sikat na. Marami namang sikat d’yan. At para sumikat ang grupo namin, hindi ko po siya gagamitin.

“Masakit man, pero naiintindihan ko, at kung magagalit man ang aming manager, naiintindihan ko rin siya. Pero sa isyung ito na hindi inasam na lalaki nang ganito, humihingi ako ng sorry sa lahat ng nadamay,” mangiyak-ngiyak na pahayag ni Crissa.

Pero nang aking tanungin kung totoo bang may nagyari sa kanila nbi Mark? Walang kaabog-abog na sinabi nitong, “Oo, Tita Swarding. Huli naming mag-usap ni Mark tungkol sa isyu… marami siyang dahilan, at hindi namin natuldukan ang isa’t isa, dahil nagmamadali siya. Pero okay lang ‘yun sa akin. Basta hindi ako naghahabol sa kanya upang sustentuhan ang dinadala ko.”

Kaloka, ha?! At natanong ko pa kung ano’ng hugis, malaki na ito, o kung ano’ng hitsura o kung tuli ba si Mark? Halakhakan sa loob ng studio. Kalerke!  “Tita, sa akin na lang ‘yun. Masaydo kasing personal. Basta kami lang ang nakaalam.”

Hmmm… at nang magkausap kami ng kanyang manager, kinumpirma nito na wala na nga sa grupo ang babaeng si Crissa, at ngayon ay naghahanap sila ng papalit sa kanya. Dahil nga sa pansamantalang magpapahinga ang dalaga.

“Tita, suportado pa rin namin si Crissa. Nand’yan na ‘yan, eh. At kagustuhan nila ‘yan. Eh, wala akong magagawa,” sabi ng manager ng grupong Nitro Girls.

Naku, ha?! Ano naman kaya ang sagot ng kampo ni Mark Herras sa isyung ito? ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding