AYUDA KING: Wilbert Tolentino pinag-shopping sina Madam Inutz at Herlene Hipon

TILA sumusunod sa yapak ni Willie Revillame ang isa pang ‘Kuya Wil’ na si Wilbert Tolentino. Siya ay Mr. Gay World titlist , businessman, social media influencer at  philanthropist, na ngayo’y sinusubaybayan ng mga tao sa kanyang YouTube channel kung saan weekly yata ay meron siyang binibigyan ng ayuda.

AYUDA KING: Wilbert Tolentino pinag-shopping sina Madam Inutz at Herlene Hipon
Wilbert Tolentino with Madam Inutz (Daisy Reyes) and Herlene Hipon

Kahit sa mga subscribers niya ay namimigay si Kuya Wil II ng cash sa bawat vlog niya! Ito ay tinatawag na Kafreshness CodeBination Giveways. May 20 winners ng P500 Gcash at dalawa ang mananalo ng Oppo A15. Manood at sumali. Para sa mechanics i-follow niyo siya sa  Instagram  account niya na sirwil75. Malay niyo, baka kayo ang susunod na suwertehin!

Ang latest guest ni Kuya Wil sa kanyang vlog channel ay ang rising social media star na si Daisy Reyes a.k.a. Madam Inutz. Last Sunday ay na-feature ito sa Kapuso Mo, Jessica Soho dahil madalas na tambayan ng mga netizens ang kanyang live online selling. Kahit walang nagmi-mine ay patuloy pa rin sa pagbibigay aliw sa mga tumatambay sa kanyang page. Kahit si Pokwang ay gumawa ng parody ng kanyang galawan sa live selling. Nakipag-collab na rin sa kanya sina Ethel Booba at Donita Nose.

Anyway, may sorpresang handog si  Kuya Wil dahil nagbigay siya ng P200k sa mag-ina. P100 K para kay Madam Inutz at P100K  sa ermat niya na may sakit. Two days pa lang ay 1.6M na ang views nito.

Hindi pa natapos diyan dahil noong Wednesday naman ay nag-upload si Kuya Wil ng 2 minutes shopping challenge kina Madam Inutz at  Herlene Hipon. Worth P107,231 ang nahakot ni Herlene Hipon.

Isi-share din daw niya ang mga blessing na natanggap niya mula kay Kuya Wil II sa mga kamag-anak niya at sa mga nangangailangan. Naniniwala siya na pag may biyayang dumating ay  kailangang ipamahagi para may pumasok ulit na grasya.

Si Madam Inutz naman ay umabot ng  P342,173ang nahakot niya sa challenge. Ititinda raw niya ito sa  online para magamit sa medication ng kanyang ina.

Marami tuloy ang nagsasabi na bagay si Wilbert na maging manager ni Madam Inutz ngayong ni-release na siya ng Star Image Management. Sigurado raw na maaalagaan siya at nasa mabuting kamay ito. Perfect manager siya dahil mapagkakatiwalaan ito at may koneksyon. Hindi rin sila mag-aaway sa datung at komisyon dahil na-witness naman ni Madam Inutz ang generosity ni Kuya Wil II. Hindi rin ito nasangkot sa kontrobersya sa pera dahil patas itong lumaban.

Abangan na lang natin kung hahantong sa talent at manager ang relasyon nila.