Ayon sa abogado ni James Yap
Kris Aquino, tigilan na ang drama!

ADVERTISING

<i>Ayon sa abogado ni James Yap</i><br>Kris Aquino, tigilan na ang drama!

<i>Ayon sa abogado ni James Yap</i><br>Kris Aquino, tigilan na ang drama!SA LUMABAS na panayam ni Kris Aquino patungkol sa visitation rights ni Bimby, sa mga pagpapabaya raw ni James Yap sa kanyang responsibilidad bilang isang ama kung saan di nga raw ito mahagilap nu’ng nakaraang Father’s Day at ni hindi nagbigay na pinansyal na tulong nang mag-enrol si Bimby, heto ang text message na natanggap namin galing kay Atty. Lorna Kapunan, abogado ng basketbolista:

“Kris and/or her lawyers actions are not consistent with good faith. We have text messages from Kris indicating she will make it difficult for James to visit Bimby and that James should file a motion to amend the visitation order for him to visit Bimby.

“Her lawyers have indicated they will question the order of the court denying PPO over Bimby and have asked to see the report of the psychiatrist/sociologist.

“We don’t know if Kris sent James a text knowing that he is out of the country – unless she wants to again build a case against James alleging that he has neglected his duties as a father.

ADVERTISING

“Enough of this drama! James just wants to visit his son. Is that too much to ask when the court has already decided that Bimby needs both parents!”

 

SA NAKARAANG 2013 McJim Elan Awards: The Search for the Modern Filipino Gentleman, agad pinutakti ng mga tanong ang mga hurado rito tulad nina Victor Basa at Sam YG na kumukuwestyon sa kuwalipikasyon nila para pumili ng 12 finalists na kinabibilangan nina Piolo Pascual, Jericho Rosales, Coco Martin, Richard Poon, Dingdong Dantes at iba pa, samantalang ‘di napabilang sa listahan sina John Lloyd Cruz, Richard Gutierrez, Sam Milby at iba pa sa listahan.

Tiyak na ikare-react ng  mga tagahanga ng mga ‘di napabilang na mga aktor at tiyak na puputaktahin sila ng bashers, ayon kay Victor ay inaasahan na nila na mangyayari ito. Pero sana ay kilalanin muna silang mabuti bago sila hugsagahan ng ibang tao lalo na ng mga magba-bash sa kanila.

Ipinaliwanag sa amin na hindi lang naman sila ang namili kundi may mga iba pa silang kasama sa isang closed-door meeting at binabase nila sa demographic ang kanilang mga napili.

Sa tanong naman na tiyak na popularity contest ang mangyayari kung saan iboboto ng mga tagahanga ang mga idolo nila, sinabi ni Victor na dapat pagkatiwalaan pa rin ang publiko sa pipiliin nila at sinuman ang manalo ay tiyak na credible naman.

Kinumusta rin namin ang role sa My Husband’s Lover kung saan isang closet queen ang role na ginagampanan niya, ‘di ba siya natatakot na baka mabuksan na naman ang isyu na nagkukuwestiyon sa pagkalalake niya dati?

Inamin naman sa amin ni Victor na may pagdadalawang-isip siya na tanggapin ang role nu’ng una, dahil alam niya na bukod sa baka ma-typecast ay malimitahan ang roles na ginagampanan. Pero para sa aktor, ang mapaniwala ang iba na bading talaga siya ay patunay lang na magaling niyang naitatawid ang kanyang karakter sa nasabing serye. Pinagpapasalamat niya na naging bahagi siya ng kuwento na magbubukas sa kamalayan ng publiko tungkol sa relasyong lalaki sa kapwa lalaki, naniniwala si Victor na panahon na rin naman na maging bukas ang isip natin sa ganitong klase ng mga kuwento.

‘Di rin naman idenenay na live-in na ang estado ng relasyon nila ng girlfriend na si Divine Lee, may mga argumento minsan na ‘di maiiwasan, pero adbantahe para sa aktor ang ganitong set-up para mas makilala mo ang iyong partner bago pa kayo pumasok sa pagpapakasal.

Nang tanungin namin kung balak na ba nila ng kasintahan ang magpakasal, agad na sinagot kami ng aktor na wala pa dahil marami pa silang gustong makamit pagdating sa kanilang mga career.

 Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING