Ayon kay Gov. ER Ejercito, KC Concepcion, dinaya ‘pag natalo sa best actress category

ADVERTISING

Ayon kay Gov. ER Ejercito, KC Concepcion, dinaya ‘pag natalo sa best actress category

ER-Ejercito-KC-ConcepcionPURING-PURI NG mabait at very generous na Laguna Governor ER Ejercito si KC Concepcion na siyang leading lady nito sa kanyang 2013 Metro Manila Film Festival entry na Boy Golden ng Viva Films at Scenema Concepts, Intl. na may grand premiere night sa Dec. 23 sa dalawang sineha sa Mall of Asia.

Ayon nga kay Gov. ER, napakahusay raw ni KC, kaya naman hindi ito naiwasang maglitanya ng, “Kapag natalo si KC, dinaya siya !”

Sobrang galing daw ng pagkakaganap dito ni KC, kaya naman daw malaki ang tsansa nitong makopo ang best actress award. Habang hindi naman daw ito umaasa na mananalo siya, masaya na raw siya sa mga award na nakuha niya bilang best actor mula sa PMPC Star Awards, Famas at Luna.

KC-Concepcion

ADVERTISING

DREAM NG 2012 Miss Earth-Air na si Stephany Stephanowitz ang makaapasok sa showbiz pagkatapos ng kontrata niya sa Carousel Productions, ang owner ng Miss Earth. Noon pa kasi nagkainteres si Stephany sa showbiz. Alam ba ninyo noong siyay 15 lang ay sumali siya sa StarStruck Batch 2? Nakaabot siya hanggang top 30 sa eliminations.

Nakasama ito sa Star Magic Batch 13, pero pinag-backout siya ng kanyang German father dahil gusto nito na mas gawing priority ng dalaga ang pag-aaral. Natapos ni Stephany sa De La Salle University ang kursong Fashion Designing. Ngayo’y gusto rin niyang magkaroon ng sariling line of clothings na pawang designs niya ang gagawin.
Bukod sa pag-arte, mahusay na host din si Stephany, patunay ang husay nito bilang host ng Search for Miss Earth Best National Costume. Nagiging host din siya sa iba pang small events ng Miss Earth.
Busy rin ito sa pag-ikot sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas bilang image model ng New Placenta soap, para ibahagi ang kabutihan ng New Placenta products para sa whitening at anti-aging ingredients ng sabon. Ipinaliliwanag din niyang huwag bibili ng mga pekeng New Placenta dahil puwedeng masira ang kanilang mga balat. Dapat bilhin ay ang may hologram sign na photo ng owner ng New Placenta, si Jaime Acosta.

 

HAPPY ANG isa sa Tween Prime Artist ng GMA 7 na si Kristoffer Martin dahil after Kahit Nasaan Ka Man, at pagkatapos ng another 3 year GMA exclusive contract ay meron na siyang bagong trabaho at ito’y ang Paraiso Koy Ikaw, na pagbibidahan nila ni Kim Rodriguez .

Second time na nga ni Kristoffer na makakatrabaho si Kim, ang unay sa Kakambal ni Ellana, kaya naman daw okey na ang tandem nila at wala nang ilangan. Early Christmas gift nga raw ito kay Kristoffer.

Bukod sa bagong proyekto ni Kristoffer sa GMA, muli rin itong nag-sign ng another year bilang image model ng Hammerhead apparel at regular din itong napapanood sa Sunday All Stars.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING