Ayon kay Direk Joyce Bernal
Kim Chiu at Xian Lim, ‘di raw lovers

ADVERTISING

<i>Ayon kay Direk Joyce Bernal</i><br>Kim Chiu at Xian Lim, ‘di raw lovers

<i>Ayon kay Direk Joyce Bernal</i><br>Kim Chiu at Xian Lim, ‘di raw loversSA TRAILER, may chemistry naman sina Kim Chui at Xian Lim. Sweet sa isa’t isa at may kiliti kapag napapanood mo sila on screen.

Pero hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Direk Bb. Joyce Bernal na “friends” lang sina Kim at Xian. In short, no string attached.

Hindi sila lovers tulad ng pagkabasa ng director sa dalawa sa pelikulang Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo na halaw sa libro na sinulat ni Ramon Bautista na humourist at komentarista sa buhay-buhay ng Pinoy na kasama rin sa pelikula.

<i>Ayon kay Direk Joyce Bernal</i><br>Kim Chiu at Xian Lim, ‘di raw loversSa obserbasyon ni Direk Joyce sa set noong ginagawa nila ang pelikula, first day of showing ngayon ay malamang sa hindi, dahil sa pagkangarag ng direktor sa pag-set-up ng mga eksena, hindi siguro niya napapansin ang “lambingan” ng dalawa kung lambingan man na matatawag ‘yun.

ADVERTISING

Tulad ng sinabi ni Direk na: “Mas matibay si Kim kaysa kay Xian dahil nabugbog siya sa totoong buhay (all the trails in life),” iba nga marahil ang basa ni Direk Joyce sa dalaga.

Pero kami, kapag nakikita namin na magkasama sina Kim at Xian at napapangiti ang dalaga, nakikiliti kami at may “kilig factor” sa samahan ng dalawa bilang the best of friends man o “secret lovers”.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING