Ayaw makasama ang isa’t isa sa shoot ng TV commercial: dalawang celebrity, nagpapataasan ng pride

KINSA SILA? SINU-SINO kaya itong dalawang personalidad na ayon sa kuwento ng aming very unimpeachable source ay nagpapataasan daw ng pride?

Base sa kuwento, sa isang TVC shoot sa isang endorsement na kanilang pagsasamahan, hindi raw pumayag si sikat na Actress A na makasama si sikat na Actress B. Kaya ang ginawa raw ng production, magkahiwalay na araw ang shoot ng dalawa at kuntodo sukat sila sa mga anggulo.

Hirap na hirap daw ang mga staff sa pagsukat ng tamang anggulo para hindi mahalatang ipinatong lamang ang video ng dalawang actress kapag lumabas na ang nasabing TV ad. Ang dialog daw nang sikat na Actress A ay, “Ayoko siyang makasama sa shooting,” patungkol kay sikat na Actress B. Dialog naman nang mga taga-production, “Ang arte-arte naman niya eh, hindi na siya bata, ‘noh.”

Sinu-sino sila? Maging mapanuri sa mga commercial na ipinapalabas sa ngayon at matutumbok n’yo na kung sinu-sino sila.

(By Arniel Serato)