AYAW MAGSINUNGALING: Kisses Delavin, ayaw magpakashowbiz!

ADVERTISING

AYAW MAGSINUNGALING: Kisses Delavin, ayaw magpakashowbiz!

AYAW MAGSINUNGALING: Kisses Delavin, ayaw magpakashowbiz!
Marco Gallo and Kisses Delavin

BEAUTY QUEEN ang dating niya kung sumagot sa press launch ng pelikula nila na “Loving in Tandem” itong si Kisses Delavin na bago siya pumasok sa PBB ay isa nang beauty queen ang dalaga. Nanalo siya as Miss Kaogma and Miss Masbate Province last year (2016).

 
Ang galing niya sa mala-question and answer segment na ang mga sagot niya sa mga katanungan sa kanya ng media ay nasagot niya with ease and confidence.
 
Pakiwari nga ng mga “beks” ay nasa isang beauty contest si Kisses kung sumagot. Kampanteng-kampate at in English pa huh!
 
Kisses is 18 years old at dating student sa De La Salle University (DLSU) sa kursong accountancy.
 
Nahinto lang siya sa kanyang pag-aaral nang mag-fulltime siya sa showbiz.
 
After PBB, naging hectic ang schedules ng dalaga reason kung bakit she decided to file for ”LOA” or leave of absence sa school niya at babalikan niya.
 
Very straight kausap si Kisses. Hindi showbiz or shall I say hindi pa showbiz.
 
Kung ano ang tutoo na nararamdaman niya, ‘yun na yun ang sasabihin niya.
 
Yun marahil ang natutunan niya sa maikling paglalabakay niya sa showbiz. Ang maging tutoo siya sa sarili.
 
AYAW MAGSINUNGALING: Kisses Delavin, ayaw magpakashowbiz!
Loving in Tandem cast members Marco Gallo, Kisses Delavin, Maymay Entrata and Edward Barber
 
Sa media launch ng first movie niya with ka-loveteam Marco Gallo at ng tambalang Maymay Entrata at Edward Barber na “Loving in Tanden”, ang paniwala ni Kisses na being true to herself ay ugali na dapat meron siya para magtagal sa showbiz.
 
Sabi ng dalaga: “In showbiz, there are lots of people here pero I think what will make me stay is kung real ako kasi I’d rather be real or nothing kasi I want to live my life the way that I’m in showbiz not because it’s a job, not because I want to be an actress but because I want to express myself, I want to inspire other people ,” say ni Kisses na tuwang-tuwa ang mga beki sa mesa namin dahil very beauty queen kung sumagot ito.
 
Sa first movie ng dalaga sa Star Cinema na showing na sa September 13, she plays the bestfriend of Shine na ginagampanan naman ni Maymay.
 
           

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING