Ayaw kasing masapawan: female TV host, masyadong papansin sa show!

ADVERTISING

NAKAKALOKA ANG MGA nabasa naming comments about a female TV host-singer sa isang website.

Kung mababasa lang ng hitad ang mga reaction sa kanya ay tiyak na maiinis siya o manggagalaiti.

Sabi ng isang nag-post ng comment, masyadong feeling daw si TVHA. Ayaw raw nitong nasasapawan. Kapag may kasama nga raw siya sa production number ay gusto palaging mag-shine ng hitad. Kung hindi mag-adlib ay gagawa ito ng eksena para mapansin.

Sa daily show nga raw nito, pati ang magdyowa na kasama niyang hosts na nagbibiruan habang nasa ere ay tinatarayan daw niya on air. Pinagsasabihan daw niya ang mga ito na ilabas ang kanilang personal na relasyon sa show.

Da who ang TV host? Naku, panlalaki at pambabae ang tunog ng name niya! ‘Yun na!

ADVERTISING

(By Alex Brosas)

by

ADVERTISING