Ayanna Misola, pinaligaya ng isda sa ‘Putahe’

‘SHOCKER’ na agad ang opening scene ng bagong sexy film ng Vivamax na ‘Putahe‘. Isang dalaga na nakaputi na basang-basa (ang damit with matching bakat) ang makikita natin. Mukha itong inosente, pero pagtingin mo ng mas maigi ay hawak pala nito ang isang kawawang isda na ginamit niya para paligayahin ang sarili.

Yes. Ang kawawang isda ay basta na lang niya tinapon sa dagat pagkatapos gamitin para magparaos.

Ayanna Misola, pinaligaya ng isda sa 'Putahe'
Ayanna Misola in ‘Putahe’

Si Ayanna Misola ang artistang matapang na ginawa ang nasabing eksena. In fairness, sa lahat ‘ata ng mga ka-batch niya sa Pornstar 2 ay siya ang sunod-sunod ang projects kung saan siya ang bida. Maliban sa kanyang innocent looks and sexy appeal, may ibubuga naman ito sa pag-arte ang like what we said, matapang ito sa paggawa ng mga eksena na tingin namin ay hindi kayang gawin ng mga kasabayan niya sa hottest streaming platform ng bansa.

Sa press conference ng ‘Putahe’ ay tinanong ng mga shookt na press people kung hindi ba ito natakot sa eksenang pinagawa sa kanya dahil malaki ang posibilidad na ‘pumasok’ ang buhay na isda at masugatan pa siya, ‘diba?

“Hindi naman po kasi mahigpit ‘yung hawak ko doon. Ha-hahaha!  Kailangang-kailangan ko kasi siya sa eksena. Pero nahilo siya (isda) after kaya nakawala. Nahilo siya sa mga ginawa ko sa kanya!” natatawang hirit ni Ayanna.

Buti na lang daw at natapos na kuhanan ang ‘eksena’ nila ng isda bago ito nakawala sa dagat.

Poor fishy!

Maliban sa mga sexy scenes ni Ayanna kasama ang beauty queen turned sexy star na si Janelle Tee kung saan all-out din ang ‘kainan’, may interesting trivia na shinare si Ayanna.

“Ang pinaka-memorable experience sa akin is yung workcation. Kasi, never pa akong nagpunta sa beach. As in never pa! So, first time ito! First time ko. Ha-hahaha!

Ayanna Misola, pinaligaya ng isda sa 'Putahe'
Ayanna Misola and Janelle Tee in Putahe

“Tapos yun, sobrang saya, kasi parang na-immerse mo talaga yung character. Hindi namin kailangang umakting. Kasi, nag-stay kami dun ng 10 days.

“At saka yung bonding ko with the cast, sina Kuya Mon (Confiado), Kuya Ronnie (Lazaro). Sobrang saya! Sobrang solid talaga nung bonding namin. Kasi nga, walang distraction, walang social media,” masayang kuwento nito.

Bata at sariwa pa si Ayanna Misola at sa totoo lang, isa siya sa mga paborito namin sa Vivamax. Sana ay dumating ang panahon na kahit sexy man ang mga tema ng mga proyektong ibibigay sa kanya ay huwag naman nila siya masyadong pagawain ng mga eksena na masyadong ‘fishy’. ‘Yun lang!

 

Previous articlePagbabalik-tambalan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, bonggang-bongga sa ratings!
Next articleVLOG WATCH: Bea Alonzo’s Apartment Hunting in Madrid, Spain!