Ayanna Misola hindi na-pressure sa remake ng Dina Bonnevie classic na ‘Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili’

Leo Bukas

BIDA ang sexy star na si Ayanna Misola sa remake ng classic film na Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili na ginawa ni Dina Bonnievie sa Viva Films noong 1989.

Ayon kay Ayanna bukod sa malaking challenge sa acting niya ang naturang remake movie ay sigurado rin daw na maikukumpara siya kay Dina.

Ayanna Misola hindi na-pressure sa remake ng Dina Bonnevie classic na ‘Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili'
Ayanna Misola

“Very challenging ltalaga yung role. Sobrang bigat. Si Albina (name ng kanyang karakter) kasi rito, she comes from a religious and loving family, then bigla siyang nag-iba ng personality and her parents noticed it.

“Meron akong tatlong personalities sa movie, paiba-iba talaga siya, so ang emotions ko, parang rollercoaster. Sobrang napiga ako at ang feeling ko, nawala talaga ako sa sarili ko.

“Pero natapos naman namin ang movie and I hope I did justice to the role. I gave it everything na kaya kong gawin so sana, magustuhan ng tao,”kuwento ni Ayanna sa ginanap na digital mediacon ng pelikula na ipapalabas sa Vivamax.

Bilang paghahanda sa pelikula ay pinanood daw ni Ayanna ang pelikula ni Ms. D.

“I watched the original film before we started shooting. Sobrang idol ko talaga si Ms. Dina Bonnevie so when it was first offered to me, nagulat ako.

“This is really my biggest assignment to date. Na-excite ako kasi isang big project ni Ms. Dina, ipinasa sa akin? So I really prepared hard for the role,” pahayag ng dalaga.

“Ngpapayat ako. Then Direk Roman (Perez Jr.) asked me na ipaputol yung buhok ko, so I have shorter hair. I also watched a lot of previous movies of Ms. Dina to find out kung anong magandang attack ang kinakailangan for this movie,” kuwento niya sa ginawang paghahanda.

Nilinaw din ni Ayanna na iba ang version ng kanyang Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili sa naunang ginawa ni Dina.

Aniya, “Actually, sobrang layo na nito sa old movie, iba ang story. Iba na ang approach. Pati sa sex scenes with my leading men, Diego Loyzaga and Adrian Alandy, this is more daring. Mas palaban.

“Alam naman natin sa Vivamax, walang limit when it comes to daring scenes, kaya mas malala ito kaysa sa anything that I have done before. Maraming shocking scenes, may orgy scene pa rito.”

Napi-pressure ba siya sa bagong project?

“Wala namang nagpe-pressure sa akin. Ako lang mismo ang nagpe-pressure sa sarili ko,” matipid na pahayag ni Ayanna.

Previous articleDarren Espanto inuunti-unti ang pagiging daring at sexy
Next articleVLOG WATCH: Ordering Everything on the Menu Challenge (Tropical Hot version) ni Angeline Quinto!