Ayanna Misola at Janelle Tee, magpapatikim ng mainit na putahe

EVERY week ay inaabangan na ng mga Vivamax loyalists kung anong hot ‘n spicy movie ang kanilang ihahain para mabusog at matuwa ang mga subscribers.

Para ngayong May 13 ay dalawa sa hottest Vivamax babes ang magpapasilip at magpapatikim ng kakaibang ulam sa pelikulang pinamagatang ‘Putahe‘ na pinagbibidahan nina Ayanna Misola at Janelle Tee.

Ayanna Misola at Janelle Tee, magpapatikim ng mainit na putahe
Ayanna Misola and Janelle Tee in Putahe

Ipinakilala si Ayanna Misola sa pelikulang ‘Pornstar 2’ at binigyan agad ng launching movie via the controversial movie ‘Kinsenas, Katapusan’ kung saan matapang siyang nagpasilip ng kanyang alindog, nakipaghalikan sa kapwa babae at nakipag-love scene sa kanyang older leading man na si Joko Diaz. Napapanood din siya sa ongoing erotic-thriller na ‘Iskandalo’, kung saan gumaganap siya bilang obsessed fan ni AJ Raval.

On the other hand, hindi na bago sa pageantry si Janelle Tee. From being a TV host ay naging beauty queen din ang chinoy actress na naging representative ng Pilipinas sa Miss Earth noong 2019. Marami ang nagulat nang biglang magdesisyon ito na makipagsabayan sa mga sexy stars ng Vivamax at una itong nagpasilip sa ‘Kinsenas, Katapusan’.

This time ay bida na si Janelle alongside her ‘nakababatang kapatid’ na si Ayanna Misola sa Putahe.

Ito ay kuwento ng isang mystery girl named Euka (Janelle Tee) na napadpad sa Isla Puerta. Marami ang mabibighani nang ito’y magtayo ng isang maliit na kainan, kung saan siya naghahain ng masasarap na putahe.

Isa sa mga dalaga na magiging curious sa kanya ay ang island girl na si Jenny. Maliban sa mga masasarap na pagkain na kanyang niluluto ay may iba pang ituturo si Euka sa inosenteng dalagitang si Jenny.

Trailer pa lang ay napakainit na ng pelikulang ito kaya siguradong nag-aabang na ang mga lalaking nagpapantasya sa dalawang bida.

Previous articleVLOG WATCH: Mga Payo ni Willie Revillame kay Herlene ‘Hipon’ Budol
Next articleDirek Darryl Yap Kingmaker ng online world (Part 1)