“AY, BAWAL BA?”: Kim Chiu, hindi sinasadyang ibuking sina Gerald Anderson at Julia Barretto?

ADVERTISING

BAWAL LUMABAS, pero puwede madulas at unconsciously ay magbunyag ng mga sikreto!

‘Yan mismo ang nakakalokang ganap sa It’s Showtime kahapon, October28 sa FUNishment segment ng programa kung saan si Kim Chiu ang talunan sa game, pero panalo sa banat na nagtrending pa ang kanyang pangalan, huh!

ADVERTISING

Ano ba ang nangyari? Well, dahil natalo si Kim sa kanilang laro ay pinatawan ito ng malupit na ‘FUNishment’. Ang dare ng mga host ng programa ay dapat i-like ni Kim Chiu ang 20th to 24th photo ng kanyang ex-boyfriend na si Gerald Anderson sa Instagram, na hindi niya pala fina-follow!

"AY, BAWAL BA?": Kim Chiu, hindi sinasadyang ibuking sina Gerald Anderson at Julia Barretto?

Nakakaaliw ang reaksyon ng Chinita Princess dahil kahit awkward para sa kanya ay sinakyan niya ito. Isang dekada na nga naman ang nakalipas at naka-move on na sina Kim at Gerald at iba na nga ang mga nakarelasyon nila, pero parang palagi sila hinihila pabalik. Hindi na ‘yata talaga mawawala sa kamalayan ng mga madlang pipol ang KimErald kahit pa meron at going strong ang KimXi nina Kim Chiu at Xian Lim.

ADVERTISING

Kinausap na rin ni Kim si Xian sa pamamagitan ng kamera na for fun lang ang dare na FUNishment para sa kanya.

S’yempre, mukhang sinadya talaga ng mga It’s Showtime hosts na photos ni Gerald na pogi at topless ang pina-like sa kanya. It alsos includes an IGTV video at dahil siguro sa pagkatuliro at kakatawa ay may nasabi si Kim na pangalan ng isang babae na baka raw biglang lumabas sa video.

“Hay naku.. ‘tas pagbukas mo dito biglang nandito si Julia Barretto!” sambit ni Kim na napatahimik ang lahat ng nasa studio dahil hindi nila akalain na ‘mabubunyag’ ni Kim ang detalyeng ito.

Dagdag na tanong pa nito, “Ay, bawal ba?”

Kim, bawal lumabas ng bahay, pero hindi bawal magspill ng tea!

Panoorin ang nakakalokang segment na ito sa FUNishment:

Nag-sorry pa si Kim Chiu kay Xian Lim at sinabi na katuwaan lamang ito. Agad naman na sumingit si Vice Ganda to say na it’s just a game and it’s on Showtime kaya hindi sila dapat mag-away ni Kim. Well, hindi naman siguro! Tulad ni Kim, sport lang din for sure si Xian.

Ano kaya ang masasabi nina Gerald at Julia dito? Kung totoong sila nga, there’s no use in denying it now lalo na’t nasa poder na ng Viva Artists Agency ang huli. That’s it! Baka si Kim pa ang nakatulong sa dalawa at masabi nila na “Ay, pwede na pala lumabas sa publiko!”

 

ADVERTISING