Axel Torres, gustong maging next Richard Gomez

ADVERTISING

Axel Torres, gustong maging next Richard Gomez

Axel Torres
Axel Torres

Matangkad, flawless, at guwapo ang isa sa up and rising teen actor ng Kapamilya Network na si Axel Torres na ex-housemate sa “PBB Teen Edition” at mapanonood ngayon sa “Wansapanataym” sa episode na ‘Tikboyong’ na pinagbibidahan nina McCoy de Leon at Jane Oineza with Alex Diaz.
Si Richard Gomez daw ang paboritong aktor ni Axel dahil sa magaling itong umarte at marami nang best actor award na natanggap.
“Bata pa po kasi ako, napanonood ko na si Sir Richard Gomez sa mga pelikulang ginawa niya at sa TV shows niya. Grabe ang husay niya bilang aktor at siya ang gusto kong tularan ngayong nag-aartista na rin ako. Sana katulad ni Sir Richard, manalo rin ako ng award. Wala naman po sigurong masamang mangarap,” pahayag ni Axel
Habang ang co-Star Magic talent nito na si Erin Ocampo ang gustong maging kapareha ni Axel sa mga project na kanyang gagawin, dahil bukod sa maganda ito, magaling ding umarte.
Isa nga raw si Axel sa maituturing na mabait na artista sa ABS-CBN ayon sa mga nakatatrabaho nito at sa mga bagong kakilala sa showbiz like si Prince Jade Ondong na nagsabing, “Sobrang bait na kaibigan ni Axel, lahat kaya niyang pakisamahan.”
Kahit nga ang mga kapatid sa panulat ay hanga rin sa kabaitan nito. Palabati raw ito at matandain sa kanyang mga nakikilang showbiz press.

 

JM dela Cruz
JM dela Cruz

Baguhang actor na si JM Dela Cruz, gustong sundan ang yapak ni James Reid

Isa sa baguhang actor ang loaded with talents at malaki ang potential na makilala sa mundo ng showbiz, ang 19 years old moreno at guwapitong tubong Valenzuela na si JM Dela Cruz.
Bago nga pinasok ni JM ang pag-aartista, isa itong ramp, commercial, at print ad model at nakapag-show na raw sa iba’t ibang malls.
Maituturing ding Internet sensation si JM dahil sikat ito sa Facebook, kung saan una siyang nakilala. Idolo nga raw nito si James Reid. Ang husay raw ni James sa pag-arte ang gustong tularan nito at dream nga rin nito na sumikat sa larangang pinasok niya.

ADVERTISING

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING