Awra Briguela na-trauma sa panonood ng UAAP Women’s Volleyball; modus ng mga cellphone snatchers ibinuking

Leo Bukas

NAGKAROON ng hindi magandang karanasan ang actor at vlogger na si Awra Briguela sa panonood niya ng UAAP Women’s Volleyball sa MOA Arena nitong June 21 (Martes). Nawala kasi ang cellphone ng kanyang kasama nang hindi nila namamalayan.

Nanawagan naman agad si Awra gamit ang Twitter pqra maibalik ang nawawalang cellphone at nagbabakasakaling ma-trace kung sinoman ang nagnakaw nito.

Awra Briguela na-trauma  sa panonood ng UAAP Women’s Volleyball; modus ng mga cellphone snatchers ibinuking
Awra Briguela

“Sa lahat po ng may video ko sa moa kanina after game kindly send me the video nanakawan po kase kasama ko ng phonr and cash habang madaming nagpapapicture. DOOR 218 po ako nun thank you po,” panawagan niya.

Ayon pa sa dating child star ng FPJ’s Ang Probinsyano hindi lang daw pala sila lang ang nabiktima ng mga kawatan dahil marami rin sa mga kasama niyang nanonood ang volleyball game ang nanakawan.

“End up sobrang dami pong nanakawan same time and same spot. So please po pa send ng video ramd ko po na videohan talaga yung nagnakaw,” lahad ni Awra.

Ayon pa kay Awra, na-trauma siya sa kanyang panonood dahil bukod daw sa naglipna ang mgq magnanakaw sa venue ay ang babastos din ng ibang audience.

“Grabe talaga kanina yung experience ko sa moa arena nakaka trauma. ang babastos na malikot pa kamay,” bulalas niya.

Sa pakiramdam rin niya ay ginawa ng mga magnanakaw ang krimen habang nagkakagulo ang maraming gustong magpa-picture.

“Ayaw mag si pag trabaho ng maayos, sobrang nakakagalit hindi nakakaawa,” sabipa niya.

Handa naman si Awra na magbigay ng reward na pera para sa taong magbabalik sa kanya ng ninakaw na cellphone. Meron daw kasing mahahalagang files na naka-save dito. Dagdag pa niya, dodoblehin pa niya ang kanyang offer to P10K basta isoli lang ang celfone. Nangako din siya na hindi ie-expose kung sinuman ang magbabalik nito.

“Again sa kumuha ng phone paki balik nalang po kasi hindi nyo rin po talaga yan mapapakinabangan. I will give you cash pa po pag binalik nyo. Yung 5k na nakuha den dodoblehin ko. You can dm me promise hindi ko expose kung sino ka. Sobrang daming important files sa phone,” pakiusap ng komedyante.

Previous articleAlexa Miro, gusto kilalanin ng mga netizens
Next article5 Things To Do in Puerto Princesa, Palawan