‘Awit Sa Pandemya’ benefit concert ng PMPC suportado nina Alden Richards, Jed Madela, Christian Bautista at Kuh Ledesma

Leo Bukas

ISA SA pinakamatinding tinamaan ng pandemya dulot ng  Covid-19 ay ang entertainment industry.  Natigil kasi ang mga live events at wala pang kasiguraduhan kung kailan babalik sa normal ang lahat.

Kaya naman ang The Philippine Movie Press Club (PMPC), ay bumuo ng virtual concert titled  Awit Sa Pandemya… A PMPC Benefit Concert na magaganap sa  sa  April 18, 2021 (Sunday), ticket2me.net platform, 8 p.m. (PHST & SGT), 5 a.m. (PDT).

Awit Sa Pandemya… A PMPC Benefit Concert

Isa itong virtual concert kung saan magsasama-sama ang mga kilalang mang-aawit at mga sikat na personalidad ng bansa.

Ang Awit sa Pandemya  ay fundraising concert na hindi lang layon ang makapagbigay ng  kasiyahan sa mga manonood kundi para makalikom din ng halaga dahil ang proceeds ay mapupunta sa medical assistance ng PMPC officers at members lalo na ang mga senior at may sakit na miyembro nito.

Pangungunahan ito ng mga singers at artists na sina Alden Richards, Christian Bautista, Jed Madela , Gerald Santos, Ima Castro,  Luke Mejares, Jeric Gonzales at Ms. Kuh Ledesma. Kasama pa ( in alphabetical order) sina JV Decena , Gari Escobar , Christi Fider, Joaquin Garcia, Jos Garcia , Sarah Javier, Charo Laude, Diane De Mesa, Renz Robosa , Lil Vincey, and the Zcentido Ska Band.

Ang proyektong ito ay pinangunahan ng  Special Project Committee  ng PMPC na binubuo nina  over-all chairman at president Roldan Castro, chairman/ vice president Fernan de Guzman, co-chairman Rommel Placente  at mga miyembro nito na sina Rodel Fernando, Boy Romero, Mildred Bacud, Timmy Basil at John Fontanilla.

Tumulong din ang iba pang PMPC Officers at  Members sa publicity at promotions ng Awit Sa Pandemya.  Mabibili na ang tiket sa ticket2me.net. Stay safe at the comfort of your home and enjoy the show.

Previous article4 branches ng Hazelberry Cafe ni Ara Mina tinangkang nakawan; aktres pinag-iingat ang mga business owners
Next articleAndrea Torres nagbigay ng tips kung paano madaling maka-move on sa ex

No posts to display