Away-bati nina Claudine Barretto at Raymart Santiago, nakasusuka na

ADVERTISING

Away-bati nina Claudine Barretto at Raymart Santiago, nakasusuka na

Raymart-Santiago-Claudine-BarrettoANG ISA pang may sawa factor na rin, itong drama ng mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto.

Pagkatapos pagpiyestahan na naman ang palitan nila ng statement tungkol sa inilabas ni Claudine na mga pasa pasa at mga sugat sa binti niya, at meron pa silang dramang “battered wife”, nagkaayos na naman pala sila ngayon.

Magkasama sila nu’ng Linggo sa birthday party ng anak nilang si Santino.

Okay naman ‘yan, at sana nga wala nang away-away, ‘di ba?

ADVERTISING

Nagkaroon kasi uli sila ng hearing nu’ng nakaraang linggo at siguro napag-ayos na naman sila ng korte.

Kaya nagkaroon ng bonggang birthday party si Santino na nag-celebrate ng 7th birthday niya nu’ng nakaraang Linggo na dinaluhan ni Raymart.

Magkasama silang mag-asawa na binuhat si Santino na nag-blow ng kandila sa birthday cake niya.

Mas okay namang tingnan ‘yun kesa sa mag-away sa media.

Hindi nagsalita si Raymart tungkol diyan dahil nga sa gag order.

Alam ko, hindi rin sila puwedeng mag-post sa Instagram account nila, pero nag-post naman uli si Claudine.

Mas okay na kasi na tahimik na lang, eh.

Hay, naku! Nakasusuka na rin ang kuwentong ito, kaya siguro lubayan na natin sila.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING