Award-winning songwriter Vehnee Saturno sumulat ng kanta para saluduhan ang mga Covid-19 frontliners

ADVERTISING
Leo Bukas

GUMAWA ng kanta ang award-winning songwriter na si Vehnee Saturno bilang  pagsaludo at pagpupugay sa mga frontliners ng bansa na na isinasakripisyo ang kanilang buhay para labanan ang COVID-19.

Ang kanta ay pinamagatang “Bayani Ng Mundo.”

ADVERTISING
Award-winning songwriter Vehnee Saturno sumulat ng kanta para saluduhan ang mga  Covid-19 frontliners
Vehnee Saturno

Ayon sa songwriter, maliit na paraan ito para maipakita niya ang pagpupugay sa mga dakilang frontliners sa Pilipinas at sa buong mundo.

“Ito ay awit na aming handog sa mga FRONTLINERS na nagbuwis at nagbubuwis ng BUHAY para sa kanyang KAPWA sa panahong ito.

“Nasa puso namin ang inyong kabayanihan. Ito lang ang aming munting paraan upang kayo’y PARANGALAN at SALUDUHAN,” lahad pa niya.

ADVERTISING

Makakasama ni Vehnee para bigyan ng tinig ang komposisyon sina Kuh Ledesma, Dulce, Ivy Violan, Jamie Rivera, Bayang Barrios Villegas, Esang De Torres, Kris Lawrence, Vehnee A. Saturno at Ladine Roxas. Si Bobby Velasco namn ang nag-arrange ng kanta.

Here’s the lyrics of the song “ Bayani Ng Mundo”:

Bayani Ng Mundo

I

Hamon sa lahat ay kay bigat

Pa’no ba ito matatanggap

Sa `tin ba ay mayro’ng darating

Pang bukas

Takot ay laging dala-dala

Sa isipan ng bawat isa

May tanong sa puso kung

Mayro’n pang pag-asa

Refrain

Ngunit may tulad niyo

Na puso ay totoo

Handang ibuwis ang buhay

Para sa kapwa tao

 

Chorus

Ang tungkulin ay gagampanan

Nang walang pag-aalinlangan

Gagawin ang nararapat

Dahil sa sinumpaan

Ang pagmamahal na alay niyo

Ay bukal, wagas at totoo

Ang papuri’y aming alay

Sa mga katulad niyo

Pasasalamat ang handog namin

Sa bayani ng mundo

 

II

Di natin alam kung hanggang kailan

Ang pagsubok na magdaraan

Ngunit tayo ay di hihinto sa laban

Sama-sama sa hanggang wakas

Darating ang kay gandang bukas

Na kasama ang tamang sagot at lunas

Repeat Refrain and Chorus 2x

Nagkaroon ng world premiere ang Bayani Ng Mundo sa Youtube.

ADVERTISING