AUGUST VS. DECEMBER: Melissa Ricks malaki na ang ipinayat

Leo Bukas

ANG LAKI na nang ipinayat ni Melissa Ricks. Kitang-kita ang pagbaba ng kanyang timbang sa ipinost niyang mga larawan sa kanyang Instagram account (@mellyricks09) few days ago na may caption na “August vs December.”

“I never thought I’d lose the weight anymore, till i found something that helped me, along with proper diet and a secret I’ll reveal soon!

AUGUST VS. DECEMBER: Melissa Ricks malaki na ang ipinayat
Melissa Ricks in August vs December 2020

“This has been such a huge help (pagtukoy niya sa prosesong kanyang ginagamit) in losing the unwanted weight and also in boosting my immune system. Let’s make incoming 2021 a good and happier, and most of all healthier year!” caption ni Melissa sa Instagram account niya.

Nagpasalamat din si Melissa sa mga taong nakapaligid sa kanya na malaki rin daw ang naitulong para ma-achieve niya ang pagpayat.

Aniya,“Having a group of supportive people around you makes all the difference. With the help of their Pollogen Divine Lift, mas mabilis ang naging effects sa pagde-define ng cheeks, jaw at overall face ko.

AUGUST VS. DECEMBER: Melissa Ricks malaki na ang ipinayat
Melissa Ricks in August vs December 2020

“Little by littlle getting rid of the baby fats and double chin! Also gives lifting and skin tightening! It’s non-invasive, no down time and just nakaka-happy talaga.”

Matatandaang nagsimulang tumaba si Melissa pagkatapos niyang makapanganak at huminto sa pagiging artista.