Atom Araullo, pinag-aagawan ng mga bebot

ADVERTISING

Atom Araullo, pinag-aagawan ng mga bebot

Atom-AraulloANG ALAM ko, oks ang “special friendship” ng Yolanda Typhoon Super Hero na si Atom Araullo sa kasama niyang taga-ABS-CBN News Department na si Zen Hernandez. Wala mang confirmation na may nabuong special relationship at romantic alliance ang dalawa, alam n’yo naman ang mga tsismis parang wildfire sa mga tuyong kabundukan ng Californian sa tag-araw.

Hindi ko alam kung ang girlfriend pa rin ng binata ay ang modelo na si Patty Laurel or sila na ba ni Zen na kasama niya sa morning show ng Kapamilya Network na Umagang Kay Ganda.

Sa tipo ni Atom na guwaping at pantasya ng mga kababaihan at lalo na ng mga beki, hindi maiiwasan na masangkot siya sa iba’t ibang mga tsismis.

Hindi malinaw ang tungkol sa tsismis sa kanila ni Zen. Ngayon, additional tsika ay itong pa-girl na stylist na si Liz Uy. Naghahanap daw ito ngayon ng boyfriend at ang tipo ni Atom ang gusto.

ADVERTISING

Si Atom, sa mga hindi nakakikilala sa kanya noong kabataang niya ay isang student lider sa Pamantasan ng Pilipinas at isang campus crush. Anak ng aktibistang ina na si Carol Araullo kung saan ang pagiging “tibak” at involvement niya sa student activisim noong nagko-kolehiyo siya ay minsang naging miyembro ng LFS (League of Filipino Students) at minsan naging konsehal ng UP Diliman Student Council. Noong kabataan pa lang ni Atom, napapanood na naming siya sa show ng ABC 5 na Five & Up na si Che Che Lazaro ang producer.

Noong kabataan pa lang niya bago siya nakilala as a true blooded journalist, may promise na kaming nakikita sa binata na ngayon ng ay nagbunga na at umaani ng papuri ang kagalingan niya at isa na nga rito ay ang live report niya mula Tacloban noong kasagsagan ng pahampas ng bagyong Yolanda na not even the current “star” or shall I say “pa-star” news journalists ng Kapamilya Network ay keri ang ginawa ni Atom.

Kaya sa mga naging karanasan ng binata, kahit sinong babae, type siya. Kung sakaling break na sila ni Patty (na minsang nagkasama sila at nag-enjoy sa kanilang mga romantic escapades sa Egypt at Cambodia) or kung ang tungkol sa kanila ni Zen na katrabaho niya sa news department ng ABS-CBN ay tsismis lang; itong bagong umiidolo sa kanya na si Liz Uy, ay feel siya maging BF?

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING