Ate Vi, pinagtatawanan lang ang pagsemplang ng lovelife ni Luis

ADVERTISING

Ate Vi, pinagtatawanan lang ang pagsemplang ng lovelife ni LuisANG SARILING PAMILYA ni Heart Evangelista ang sobrang nalulungkot ngayon sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng young actress ngayong mga panahong ito. Napakasipag daw magtrabaho ngayon ng kanilang anak para sa career nito, kaya naaawa raw sila, dahil sa halip nga namang puro taping ng pinag-uusapan nga-yong maganda niyang teleseryeng Dwarfina sa GMA-7 ang mapagtuunan ng pansin ng dalaga, iniisip din nito ang mga intriga.

Pero tiwala naman kay Heart ang kanyang mga magulang, na anuman ang mga kontrobersiyang mayroon ngayon,  malalampasan din ng kanilang anak. Sa mga nangyayari ngayon sa young actress, nagsusuportahan sila, lalo pa’t okey na nga ang kanilang samahan nga-yon. Matatandaang noong si Jericho Rosales pa ang kasintahan ng dalaga, nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan.

ADVERTISING

Nag-aapoy pa rin sa kanyang galit si Tita Annabelle Rama laban sa dati niyang alagang si Heart. Okey naman, dahil hindi sinasabayan ng young actress ang galit ng mommy ni Ruffa Gutierrez para mauwi iyon sa mainitang sagutan. Marami ang nagulat sa huling salitang pinakawalan ni Tita Annabelle, na dahil sa kawalan ni Heart ng utang na loob, pati ang kanyang mga magulang ay nilayasan ng tatlong taon nu’ng magka-relasyon pa sila ni Jericho.

HINDI NA DAPAT mag-alala ang mga nagmamahal kay Governor Vilma Santos-Recto tungkol sa kanyang kalusugan.  Kamakailan kasi, nasulat na mayroon siyang karamdaman, kaya marami ang nagtatanong kung okey na ba siya?  Nakakapasok na ulit siya sa kanyang opisina sa Kapitolyo ng Batangas. Noong January 27, dumalo siya sa pagdiriwang ng 36th Anniversary of Lipa City Water District at nang araw ding iyon, marami pa siyang hinarap na mga trabaho.

Tinatawanan lang ni Ate Vi ang mga nangu-ngumusta at nagtatanong sa kanya kung bakit sumesemplang pa ngayon ang lovelife ng pa-nganay niyang anak na si Luis Manzano, pagkatapos ng pakikipagrelasyon nito kay Angel Locsin. Nasa tamang edad na kasi ang TV host, pero sa dami ng mga babaeng inili-link sa binata, wala pa rin siya ngayong inaamin na bagong girlfriend.

ADVERTISING

“Hindi naman nakapagtataka ‘yan, dahil puwedeng namana rin sa akin ni Luis ‘yung ganyang pagtatagal bago magpakasal. Sa ngayon kasi, ang dami pang gustong gawin ng anak ko. Maganda ang takbo ng kanyang career, kaya hinahayaan ko lang siya. Lalayo pa ba tayo? Ako nga, nagtagal din bago nagpakasal. Hitsurang ipinagtutulakan na ako ng mga kaibigan ko noon para mag-asawa,” wika ni Ate Vi.

HINDI TALAGA NAUUBUSAN ang talent manager na si Lito de Guzman ng mga baguhan na puwede niyang tulungan para mapasikat sa showbiz.  Habang  medyo   nagluluksa pa sa kalungkutan si LDG tungkol sa karumal-dumal na pagyao ng kanyang alagang si Rejoice Rivera, heto naman at mayroon ulit siyang bagong tinutulu-ngan, si Lyka Soledad na ang linya naman ay sa pagkanta. Pero nang makaharap ko sa personal si Lyka, pasado ring maging sexy star ang kanyang hitsura, dahil bukod sa maganda siya, morena ang kutis ay sexy siya na boobsie at maganda ang kanyang height.

Sinisimulan muna ng LDG Multi-Media Productions na ipakilala si Lyka bilang singer sa pamamagitan ng Galaxy Records.  Siya ang kumanta ng “Sanay Ka Na Ba?” at nang mapanood namin ang kanyang music video, nakakaaliw siyang panoorin, dahil marunong mag-emote kaya pasado talagang mag-artista. Ang boses niya ay pinaghalong timbre ng boses nina Didith Reyes, Geraldine, Claire dela Fuente at Eva Eugenio.

Ate Vi, pinagtatawanan lang ang pagsemplang ng lovelife ni Luis

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING