‘Ate ng Ate Ko’ nina Kris Bernal at Jake Cuenca mapapanood na sa TV5

ALAM niyo ba na lumipat na sa TV5 o Kapatid Network ang dating paboritong leading lady ng GMA-7 na si Kris Bernal?

Pagkatapos ng mahigit sampung taon na pagiging loyal Kapuso ay nagdesisyon na si Kris na lumipat sa ibang network pagkatapos hindi i-renew ang kanyang kontrata. Naging open naman ito sa kanyang vlog na kaya siya tumatanggap ng guestings mula sa ibang network two months ago ay dahil sa katotohanan na isa na itong freelancer. Ibig sabihin, libre ito na gumawa ng proyekto sa ibang network kapag may offer dahil hindi na ito exclusive talent.

'Ate ng Ate Ko' nina Kris Bernal at Jake Cuenca mapapanood na sa TV5
‘Ate ng Ate Ko’ lead stars Joem Bascon, Kris Bernal, Jake Cuenca and Isabelle de Leon

Pagkatapos ng ilang linggong spekulasyon ay nakumpirma na rin na for the meantime ay mapapanood muna si Kris sa TV5 sa kanilang bagong weekly drama series na ‘Ate ng Ate Ko’. Sa family drama na ito ay makakasama niya si Isabelle de Leon bilang nakababatang kapatid. Base sa trailer, mag-ate sila na laging nagkakaroon ng tampuhan. Dahil sa isang aksidente ay magbabago ang lahat.

Makakasama rin ng dalawa ang Kapamilya actors na sina Jake Cuenca at Joem Bascon.

Hindi ito ang unang pagkakataon na makakasama ni Kris sa isang proyekto si Jake. Nagkasama sila sa pelikulang ‘Kontradiksyon’. Si Joem ay huling napanood sa ongoing Kapamilya series na ‘Ang Iyo ay Akin’. Dahil sa franchise renewal issue ng ABS-CBN ay pinapayagan ang kanilang contract artists na tumanggap ng projects sa ibang network.

Narito ang Full Trailer ng ‘Ate ng Ate Ko’:

 

In fairness naman sa TV5, maraming guestings si Kris. Kahapon nga ay bongga ang dance production number nito. At least, may platform na ulit ang talented actress para ipakita ang kanyang dance moves. For sure, hindi ito magpapakabog kina Maja Salvador at Maris Racal, noh!

Mapapanood na every Monday nights ang ‘Ate ng Ate Ko’ tuwing 9:30 PM. Ang tanong: Ito ba ay good move sa parte ng Kris Bernal? Malalaman natin ‘yan sa takdang panahon!