Ate Guy, tuloy na sa pagkokontra-bida

ADVERTISING

Ate Guy, tuloy na sa pagkokontra-bida

Ate Guy, tuloy na sa pagkokontra-bidaKINUMPIRMA NAMAN sa amin ni Direk Adolfo Alix Jr. (Urian’s  best director for Mater Dolorosa) na tuloy na tuloy na ang pagsasama nila ni Nora Aunor sa isang malaking proyekto. Ito ay ang La Mamadre, kung saan first time na gaganap si Ate Guy na bida-kontrabida.

Umalis si Ate Guy patungong US noong Hulyo 11 at sa pagbalik nito rito ay maaaring umpisahan na ang pelikulang gagawin ni Direk Adolf. Balitang makakasama ni Ate Guy sina Iza Calzado, Edgar Allan Guzman at marami pang iba.

Ate Guy, tuloy na sa pagkokontra-bidaNatapos na ni Ate Guy ang Ang Kuwento Ni Mabuti ni Direk Mes De Guzman at may sinusulat itong bagong istorya , muli para kay Ate Guy.

Magiging abala si Ate Guy sa pagbabalik niya dahil isa pang pelikula mula naman kay Direk Joel Lamangan ang gagawin niya. Hindi pa puwedeng sabihin pero sa kuwento ni Direk sa amin, napakalaking pelikula ito, at kasing-laki ng Himala na ginawa ng Superstar 30 years ago. May posibilidad ding i-revive ni Ate Guy ang N.V. Productions dahil plano rin niyang mag-produce ng mga pelilkula at mag-discover ng mga bagong mukha.

ADVERTISING

RAP EN ROL
By Ronald M. Rafer

ADVERTISING