Assunta de Rossi’s Timeless Beauty (and Talent!)

ADVERTISING

Assunta de Rossi's Timeless Beauty (and Talent!)

Assunta-de-RossiISA SI Assunta de Rossi sa mga artistang hinangaan ko noong ako’y nasa elementary at high school pa lamang. Una siyang nakilala bilang teenstar sa programang ‘DATS’ ni Kuya Germs at naging suki ng ilang programa sa GMA-7. Dahil sa kanyang bubbly personality, pinasok siya agad sa gag show na Bubble Gang.
From teeny bopper to a sexy actress, marami ang nagulat nang biglang pumayag ito na lumabas sa ilang sexy films ng Regal Films. Ang Red Diaries ang nagsilbing launching movie niya bilang matured actress. Matatandaan na sila pa ni Rica Peralejo ang palaging pinagsasabog ng press dahil na rin sa transition nila sa kanilang showbiz career.
Si Assunta de Rossi rin ang masasabing legendary queen ng FHM Philippines. Being its first calendar girl that sold thousands of copies, isa na talagang icon ang Fil-Italian actress.
Worth it naman ang ginawang career move ni Assunta dahil nanalo rin siya ng ilang acting awards at nagkaroon ng ilang endorsements. Very short ang pagpapaseksi nito sa pelikula’t telebisyon dahil bigla itong ikinasal kay Jules Ledesma.
Being the versatile actress that she is, naging isa rin ito sa bida ng memorable comedy films ng Star Cinema tulad ng Pinay Pie at Jologs, kung saan markado ang pagganap niya bilang isang babaeng liberated na napilitang magpaka-wholesome dahil sa pag-ibig. Siya pa nga ang nagpauso ng isang Pinoy slang bad word na bawal banggitin dito. Hek-hek!
Paminsan-minsan ay lumalabas pa rin si Assunta sa telebisyon. Natuwa ako nang malamang isa siya sa lead stars ng Beauty in a Bottle, na ipapalabas na sa October 29. With Angelica Panganiban and Angeline Quinto, sure kami na kayang-kaya ng tatlong ito na pasayahin ang halloween ninyo!
Sana ang Beauty in a Bottle ang maging susi sa pagiging regular ulit ni Assunta sa big screen. We miss her dearly!

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

ADVERTISING