Assunta de Rossi, wala paki sa lovelife ni Alessandra de Rossi

ADVERTISING

Assunta de Rossi, wala paki sa lovelife ni Alessandra de Rossi

Assunta-de-RossiWALANG PAKIALAM si Assunta de Rossi sa lovelife ng kapatid na si Alessandra de Rossi. Ni ayaw nga niyang kumpirmahin or itanggi kung sina Alex at Sid Lucero na nga ba talaga.

Nang una kasi naming makausap si Assunta, si Alex pa raw ang nagbibigay sa kanya ng payo. Feeling nga raw ni Alex ay mas matandang kapatid niya ito. Ito pa ang nagagalit kapag may nagawang hindi maganda si Assunta.

Saka nasa hustong edad na raw si Alex kaya alam na raw nito kung ano ang tama at mali. Pero kung hihingin daw ang payo niya ng kapatid ay all-out siyang magbibigay ng payo.

Pero knowing her younger sister daw, hindi na kailangan. Basta ang importante raw sa ngayon, kung saan masaya si Alex ay doon siya at kanyang susuportahan.

ADVERTISING

Saka hindi naman daw siya close kay Sid para magbigay ng reaction kung tama ba or hindi tamang maging boyfriend ni Alex.

 

MORE THAN Words ang bagong seryeng pagsasamahan ng magdyowa na sina Janine Gutierrez at Elmo Magalona.

Ang tanong ng mga mahihilig sa mga kilig-serye, kung magkiklik daw kaya ang bagong serye ng dalawa?

‘Di nga ba raw na kapag alam na raw ng tao na magdyowa na ang lead star ng isang serye, hindi na ito gaanong nagki-klik.

Well, sana naman ay nagkamali ang mga naghuhusga na kaagad sa tambalan ng magdyowang Elmo at Janine.

Kung kilig ang pag-uusapan ay posiblemg mawala nga, pero baka maganda naman ang istorya at ito ang magdadala para subaybayan ito sa telebisyon.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING