Assunta de Rossi, ‘di pa rin mabuntis-buntis

ADVERTISING

Assunta de Rossi, ‘di pa rin mabuntis-buntis

Assunta-de-RossiHINDI PA rin nabubuntis ngayon si Assunta de Rossi kahit ilang taon na siyang kasal kay Cong. Jules Ledesma. Gustung-gusto na raw nilang magka-baby pero tila hindi pa ‘ata sila binibiyayaan ng langit.

Naku, baka maunahan pa siya ng younger sister niyang si Alessandra de Rossi ‘pag nagkataon, huh!

Balik-pelikula ang beauty ngayon ni Assunta. Isa siya sa tatlong bida sa Beauty in a Bottle ng Quantum Films at Skylight Films. Kahit second choice lang, tinanggap pa rin niya ang project na originally para kay Ruffa Gutierrez.

“I don’t care kahit pang ilang choice pa ako. Ang mahalaga, ako ang final choice at sa akin ibinigay ang role,” pahayag ng aktres.

ADVERTISING

Hindi tinanggap ni Ruffa ang Beauty in a Bottle dahil magkakaroon ito ng conflict sa isa niyang endorserment.

Sa pelikula, role ni Vilma na isang babaeng gagawin ang lahat para manatiling maganda despite of her old age ang gagampanan ni Assunta. In real life, hindi raw naman siya ganu’n. Tanggap na raw niya ang mga pagbabago sa kanyang katawan na dahilan ng kanyang pagtanda.

“Eh, ganu’n talaga, eh. Wala naman akong choice kasi lahat naman tayo ay tatanda. Mababago lahat ang itsura natin,” sambit pa niya.

Anyway, sina Angeline Quinto at Angelica Panganiban ang dalawa pang aktres na bida sa Beauty in a Bottle na showing na sa Oct. 29.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING