Ashley Ortega, type sina Hiro Magalona Peralta at Ruru Madrid

ADVERTISING

Ashley Ortega, type sina Hiro Magalona Peralta at Ruru Madrid

Ashley-OrtegaIF MABIBIGYAN daw ng pagkakataong makapili ng kanyang magiging ka-loveteam ang 2014 Miss Olive C Campus Model Search female grand winner na si Ashely Ortega, ang dalawang teen prime artist ng Kapuso Network ang gusto niyang makapareha.

Una na rito ang Kapuso tween star na si Hiro Magalona Peralta na ayon kay Ashley ay ang kanyang kauna-unahang ka-loveteam niya sa Showbiz via Cielo De Angelina at itinuturing nitong isa sa malapit niyang kaibigang lalaki sa showbiz.

Ayon nga kay Ashely noong nagsisimula pa lang siya, si Hiro raw ang nagga-guide sa kanya pagdating sa pag-arte at sa kung anong gagawin niya during take ng kanilang mga eksena. Bukod sa katulad daw niya ay winner din at celebrity endorser ng Olive C si Hiro.

Pangalawa ay ang kanyang ka-loveam ngayon at finalist ng Protegee na si Ruru Madrid, na ayon naman kay Ashely ay mabait din katulad ni Hiro at isa rin sa maituturing na mahusay na actor sa showbiz.

ADVERTISING

Sa ngayon daw, busy si Ashely sa kanyang regular TV show sa Kapuso Network at sa paglibot sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas para mag-promote ng Olive C. Very thankful nga raw siya kay Mr. Jaime Acosta, ang CEO/President ng Psalmstre, makers of Olive C, New Placenta, atbp. dahil sa tiwala at pag-aalagang ginagawa nito sa kanya.

 

Kapuso teen singer Earl Santos, idolo si Erik Santos

 

Earl-SantosIDOLO RAW ng newest Kapuso singer at regular na napanonood sa Walang Tulugan With The Master Showman na si Earl Santos ang kapwa niya Santos na sina Erik Santos at Gerald Santos. Pero among the two, mas gusto raw nitong sundan ang yapak ni Erik, dahil bata pa raw siya ay mga awitin na ni Erik ang kanyang hilig kantahin.

Katulad daw ni Erik, gusto rin ni Earl na makilala bilang isang mahusay na mang-aawit at magkaroon ng hit songs.

“Bata pa po kasi ako, si Kuya Erik Santos na ‘yung napapanood ko. Although gusto ko rin po at nagagalingan din ako kay Kuya Gerald Santos.

“Gusto ko ang istilo ng pagkanta ni Kuya Erik, gusto ko ‘yung mga songs niya at kung papa’no siya mag-perform. Pangarap ko rin na magkaroon ng hit songs na maririnig mong kinakanta ng ibang tao.”

Wish nga raw nitong makasama at maka-duet sa isang konsiyerto si Erik at ito raw ang bubuo ng kanyang pangarap bilang isang mang-aawit. “Dream ko rin ang makasama si Kuya Erik sa Concert at maka-duet.”

Bukod sa Master Showman, busy si Earl sa kanyang mall tours kung saan sa July 20, 3 pm, ay nasa SM City Marikina ito para sa kanyang Rainy Season Mall Tours at sa Aug. 10 ay magkakaroon ito ng mini-concert sa SM City Skydome entitled Earl Santos The Ultimate.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING