Asawa at mga anak ni Janno Gibbs bawal manood ng ‘69+1’

Leo Bukas

WALANG BALAK ang singer-actor na si Janno Gibbs na ipapanood sa kanyang mga babaeng anak at sa asawang si Bing Loyzaga ang latest movie niyang 69+1 na isang sex comedy. Kasama ni Janno sa Viva movie sina Maui Taylor at ang baguhang si Rose Van Ginkel.

Asawa at mga anak ni Janno Gibbs bawal manood ng ‘69+1’
Janno Gibbs

“Ako, hindi! reaksyon agad ni Janno. “From Sanggano, Pakboys to this nagkaroon ng premiere night yung dalawa at di ko pinapapanood sa kids ko at sa wife ko.

“It’s different for me, I have daughters so it’s… Although naiintindihan nila, but it’s awkward to actually watch your dad’s film. Hindi ko ipinapanood sa kids ko at sa wife  ko,” sabi pa ni Janno.

Mapapanood sa Vivamax at sa iba pang streaming platforms ang 69+1 simula September 3, 2021.

During the digital mediacon ay naikuwento rin ni Janno Gibbs sa press na may may pinsan siyang hindi nagka-disgusto sa trailer ng kanilang pelikula.

“Just now, before presscon, kaka-text lang nu’ng isang pinsan ko na ayaw daw n’ya ’yung… Napanood n’ya yung trailer.

“Unang-una, sa States, sa abroad, wala itong mga ginagawa namin. And compared to sa mga ipapalabas at kakapalabas pa lang sa Vivamax, this is nothing compared to what they’re doing. Sila all-out sexy talaga. Itong sa amin is a comedy.

“Doon sa mga nabubulgaran doon sa word na ginagamit, eh, pag sa English n’yo sinabi ’yon, sa Netflix  kung bitawan nila ’yon parang dalawang beses per minute. ‘Hey, what the f*ck is it?’ Oh, F*ck!’ Ano ba ang f*ck sa Tagalog, ’di ba?” paliwanag ng komedyante.

69+1 is written and directed by Darryl Yap.