Arron Villaflor, saludo sa husay umarte ni Sylvia Sanchez

ADVERTISING

Arron Villaflor, saludo sa husay umarte ni Sylvia Sanchez

Arron Villaflor & Sylvia Sanchez
Arron Villaflor & Sylvia Sanchez

Saludo raw ang young actor na si Arron Villaflor sa husay umarte ng actress na si Sylvia Sanchez na gumaganap na ina nito sa inaabangan at napapanahong teleserye mula sa ABS-CBN at magsisimula nang mapanood sa July 18, 2016 bago mag-TV Patrol, ang “The Greatest Love”.
Tsika nga ni Arron Villaflor, “Napaka husay ni Tita Sylvia Sanchez. Kapag kaeksena mo siya, dapat handa ka, kasi ang galing niya. Masarap nga siyang kaeksena kasi mapu-push kang galingan. Kasi ‘pag hindi, kakainin ka niya nang buong-buo.
“Saludo ako sa kanya sa sobrang pagmamahal niya sa kanyang trabaho. Bukod sa sobrang bait niya, ‘di lang sa akin kung hindi sa lahat ng bumubuo ng “The Greatest Love”.
“Grabe ‘yung transformation niya kapag nakasalang na sa camera, ramdam na ramdam mo ‘yung role na ginagampanan niya. Kaya nga happy ako na nakatrabaho ko si Tita Sylvia, kasi alam kong marami akong matututunan sa kanya.
Thankful daw si Arron sa pamunuan ng ABS-CBN dahil binigyan siya ng panibagong proyekto na bukod sa maganda ang materyales ay mahuhusay pa ang kanyang mga kasamang artista mula kina Sylvia, Rommel Padilla, Matt Evans, Joshua Garcia, Dimples Romana, at Andi Eigenman, at kapupulutan ng aral ng mga manonood.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING