Arran ‘Caloy’ Sese, inaming naging GF si Jonalyn Viray!

MARIING PINABULAAN ng commercial model na si Arran Sese, mas kilala ngayon bilang si Caloy sa Coke TVC, na idinenay niyang naging girlfriend niya ang La Diva member na si Jonalyn Viray, ayon na rin sa lumabas sa ibang pahayagan.

Ayon kay Arran na nakausap namin through phone, totoong naging girlfriend niya si Jonalyn at proud na proud daw siyang sabihin ito, dahil ‘yun naman daw ang totoo. Pero hindi raw nagtagal ang kanilang relasyon na sila na pareho ang nagdesisyon.

Masyado raw kasing naging busy si Jonalyn sa kanyang singing career, habang naging busy rin siya sa kanyang pagiging commercial model, kaya naman hindi nag-work out ang kanilang relasyon.

Pero ngayon daw ay may GF si Arran na isang non-showbiz girl at happy raw siya rito. Hindi raw nito alam kung may BF na rin si Jonalyn dahil matagal-tagal na rin daw silang walang contact sa isa’t isa ni Jonalyn, kaya wala siyang balita rito.

BONGGA ANG pagbabalik-showbiz ng maganda at napakabait na GMAAC Prime Artist na si Rhian Ramos mula sa pamamahinga dahil bound to Hollywood ang Beauty nito para dumalo sa pagpapalabas ng kanilang pelikulang The Road, along with the other cast of  the said film na ipalalabas sa USA at sa Canada.

Dagdag pa riyan ang latest movie nito with Aljur Abrenica na My Kontrabida Girl, na napakaganda ng trailer na showing na sa March 14 sa direction ni Jade Castro.

Mukhang mas bongga nga ang taon ni Rhian ngayon na nakatakda ring makapareha ni Sen. Bong Revilla sa kanyang susunod na teleserye sa GMA-7. Kaya naman magiging visible na muli si Rhian, ‘di lang sa pelikula, kung hindi maging sa telebisyon.

NAKATAKDANG SUMABAK sa isang musical play ang GMAAC talent na si Steven Silva sa Hope For The Flowers, kung saan makakasama nito ang singer/actress na si Frencheska Farr at mula sa direksiyon ni Roovak Valle at produced ng Young Artists Production.

Magkakaroon sila ng preview sa March 3, sa Girls Scout of the Pilippines Auditorium sa Malate ng 7pm at ang regular showing nito ay sa darating na buwan ng Agosto. Excited na nga raw sumabak si Steven sa musical play na malayung-malayo raw sa ginagawa nito sa telebisyon.

INUULAN KAMI ng message sa Facebook at Twitter mula sa mga loyal Fans ng Tambalan nina Kristoffer Martin at Joyce Ching o Krisjoy kung tawagin ng kanilang mga tagahanga. Ayon sa mga, ito dapat daw ay bigyan na ng solo project ang dalawa, dahil made na made na raw ang tambalan ng mga ito na nagti-trending pa sa Twitter.

Pati nga ang panawagan ng mga ito sa ehekutibo ng GMA-7 ay nag-trending sa Twitter na pagpapatunay lang daw na libu-libo na ang tagahanga ng dalawa. Bukod pa raw sa dalawa sina Kristoffer at Joyce sa magaling umarte among tween stars ng GMA-7.

Kung nabigyan daw ng solo project sina Barbie Forteza at ka-loveteam nito at Jake Vargas at ka-loveteam nito, bakit ‘di raw subukang bigyan ng solo project sina Kristoffer at Joyce. Hirit pa ng mga ito na sana raw ang solo project na sa Krisjoy ang susunod na proyekto ng mga ito.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleSarah Geronimo, aminadong masaya ‘pag kasama si Gerald Anderson!
Next articleDra. Vicki Belo, bibigay din sa konting himas ni Hayden Kho?!

No posts to display